^

PSN Showbiz

Lorin at Venice, hindi umarte sa relief operations!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lorin at Venice, hindi umarte sa relief operations!
Ruffa at Lorin
STAR/ File

“Bilib ako sa pagpapalaking ginawa ni Ruffa (Gutierrez) sa  mga anak niya. Walang kaarte-arte sina Lorin at Venice nang sumama sa Tuguegarao (Cagayan Valley) para mamigay ng relief goods.

“Umaakyat sila sa truck at tumutulong sa pamimigay ng relief goods!”

‘Yan ang dialogue kahapon ng umaga ni Chemist Pinky Tobiano nang makakuwentuhan ko tungkol sa pamamahagi nila ng tulong noong Monday sa mga nasalanta ni Typhoon Ulysses sa nasabing lugar.

Sumama kasi sina Lorin at Venice sa nanay nilang si Ruffa sa relief operations nina Pinky at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.

Sa kuwentuhan namin ni Ruffa, late night na noong Sunday nang sabihan niya ang mga anak na aalis sila noong Monday.

Akala raw nina Lorin at Venice ay sa Los Angeles, California na sila pupunta para nga sa pag-aaral doon ng una.

Pero nang sabihin ni Ruffa na makikibahagi sila sa relief operations, mas natuwa raw sina Lorin at Venice.

Nagpasalamat pa raw ang kanyang mga anak dahil nagawa nilang makasali sa magandang adhikain na ‘yon.

Kahapon, sumama rin sina Lorin at Ve­nice sa relief operations naman ng grupo ni Pinky sa Marikina City with Sarah Lahbati.

Myrtle, may pa-cosplay sa concert

Magaling na Ragnarok gamer ang singer/actress na si Myrtle Sarrosa. Actually, nakapasok nga siya kamakailan bilang nag-iisang Pinay sa Southeast Asia sa top 100 gamers ng Ragnarok.

Ang bongga!

Pero lately, mas nakatutok daw siya sa virtual concert niya on November 28, ang Myrtle: Still Love Me. May band and dance rehearsals na sila dahil malapit na rin naman ang kanyang virtual concert.

May pa-costume rin daw si Myrtle sa nasabing concert dahil isa nga siya sa kilalang cosplayer dito sa atin. Tatak na ni Myrtle ang pagiging cosplayer, kaya hindi puwedeng mawala ‘yon sa kanyang concert.

Mabibili nga pala ang online tickets nito sa ticket2me.net at P660 lang daw ‘yon.

Isa nga pala siya sa masuwerte ngayong panahon ng COVID-19 pandemic dahil patuloy pa rin ang kanyang trabaho.

Bukod sa kanyang virtual concert, almost done na rin siya sa shooting ng Mamasapano movie na pinagbibidahan ni Edu Manzano, plus may endorsements din siya, huh!

vuukle comment

RUFFA GUITIEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with