Stretch marks nilantad, Iza bigay na bigay kay Jameson
Iza at Jameson

Stretch marks nilantad, Iza bigay na bigay kay Jameson

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinakita ni Iza Calzado pati stretchmarks niya sa original series ng iWantTFC na magsisimulang mapanood sa November 18,  Loving Emily.

Sa kuwento, mapipilitan  siyang mamili sa pagitan ng mise­rable niyang buhay kasama ang pamilya at ng isang bagong simula kasama ang nakababatang lalaking (Jameson Blake) mahal siya.

Nasa 40s na si Emily (Iza) at tila perpekto ang buhay sa social media, ngunit sa totoong buhay ay hindi siya masaya. Lalo pang lalala ang kanyang nararamdamang pagdurusa nang malaman niyang may kabit ang kanyang asawa (Epy Quizon) ngunit hindi niya ito kayang komprontahin.

Matapos pumanaw ang ama ni Emily, babalik siya sa kina­lakihan niyang lugar ngunit haharapin din niya ang isang mabigat na katotohanan : Hindi lang ang ama niya ang patay, ngunit pati na ang buhay na minsan na niyang pinangarap, ang pamilya niya, at ang buhay niyang puno ng kasinungalingan.

Sa gitna ng byahe at pagtatanto niyang ito ay makikilala niya ang binatang si Vince (Jameson) na mas bata ng halos 20 taon sa kanya.

Kinabukasan, magigising na lang si Emily sa isang kama katabi si Vince sa isang hotel.

Dahil May-December affair ang series, bongga sabi ng aktres ang mga love scene nila ni Jameson na Baba ang tawag niya.

 Pero ayon sa mahusay na actress wala siyang hesitations or regrets sa ginawa niya. “I didn’t have any hesitations. It’s also part of my journey in accepting my body and of me embracing my role. My husband is also very supportive of all my projects and I’m really grateful because it gives me so much freedom,” banggit ng actress sa Zoom conference nito kahapon.

 Kumusta naman ang karanasan ni Jameson kay Iza? “I had to look at her as my lover in order to bring out my emotions. I didn’t have a hard time with her and I think it worked well. There was one scene that we did and I think it felt real so we did a good job in portraying that.”

All out, as in pareho raw silang bigay na bigay sa mga eksena.

Kaya naman paulit-ulit ang pasasalamat ni Iza sa kanyang husband na si Ben Wintle dahil suportado at hindi nito pinakikialaman ang kanyang artistic soul.

Hindi raw siguro magiging masaya ang buhay niya kung ­na­ging pakialamero ang pinakasalan niya.

Sa Cagayan sila nag-shooting ng buong series kaya parang hindi rin sila makapaniwala na halos lamunin ng tubig ang buong probinsiya ng bagyong Ulysses.

 Sobrang close sina Iza and Jameson kaya wala rin silang naging ilangan sa intimates scenes nila. -

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with