^

PSN Showbiz

Taga- showbiz, tulung-tulong para sa mga binagyo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Taga- showbiz, tulung-tulong para sa mga binagyo

Nakaka-proud ang showbiz people na personal na tumutulong at ang iba ay nagpapadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo particular na ang samahang Aktor na pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Angel Locsin, kasama ang mga artist ng GMA at ABS-CBN.

Lahat na ay tumutulong talaga sa abot ng kanilang makakaya.

Si Willie Revillame na sabi niya ay nagbenta pa siya ng kotse para may maibigay na tulong, ‘yung mga lihim na nagpapadala ng ayuda dahil ayaw nilang malaman pa ng iba ang kanilang charity, masasabing lahat ay nagpapakita ng puso sa pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

So proud na kahit pa nga marami sa ating mga artista ay hindi hiningan kusa silang gumalaw at pinaramdam na kahit taga-showbiz may panahon para sa mga kababayan na nagdurusa sa ngayon.

Ipakita natin ang bayanihan spirit, ang tunay na ugali ng mga Pilipino na malambot ang puso.

Right timing para sa advance Christmas spirit. We need it now, give it now, share it now.

Rescuer nakuryente, patay

Napanood sa isang balita ang tungkol sa isang rescuer na nakuryente sa baha, at naiwan ang isang five months old na anak at asawa.

Iyan ang sinasabi natin na sana ay naiwasan kung maagang nag-evacuate ang mga tao. Hindi mo masisi dahil takot mawala ang gamit, saka madalas suwerte naman na hindi ganun kataas ang tubig. Off guard nga ang nangyari tulad sa Ondoy at ito ngang Ulysses, kaya marami ang na-trapp sa bubong ng bahay. Pero good na marami ring rescuers, pero isipin mo, panganib din sa buhay nila, dagdag pa iyon sa biktima.

Kaya nga kung minsan maiinis ka rin sa tigas ng ulo ng ayaw sumunod sa panawagan para sana walang maapektuhan masyado.

Ngayon dahil sa pagtulong, isang biyuda at isang anak ang affected dahil namatay ang ama sa pagtulong. Buhay ang ibinigay ng rescuer para tumulong, may hihigit pa ba rito?

Kaya naman sana, next time hindi na mangyari ito. Makinig na.

vuukle comment

ABS-CBN

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with