^

PSN Showbiz

Anne, hindi na basta-basta gagawa ng pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne, hindi na basta-basta gagawa ng pelikula
Anne
STAR/ File

Mag-iisang taon na ang nakalilipas nang pansamantalang iwan ni Anne Curtis ang show business. Matatandaang nagpunta ang aktres sa Australia upang manganak at ngayon ay walong buwang gulang na si Dahlia. Sa ngayon ay ini-enjoy lamang umano ni Anne at asawang si Erwan Heussaff ang bawat oras na kasama ang anak kaya hindi nagma­madaling bumalik sa Pilipinas upang makapagtrabahong muli. “I wouldn’t say na I’m in a rush to start working again, just because lalo na for the first year of Dahlia’s life. I really want to be there for her, and really see all the firsts that will happen. I just feel very happy and blessed that I get to spend this much time with her, na talagang 24/7 magkasama kami,” paliwanag ni Anne.

Kahit sa Melbourne nakabase nga­yon ay mayroong ilang mga pelikula rin ang natanggap na alok ng aktres. Ayon kay Anne ay posibleng sa susunod na taon na niya ito mapagtuunan ng panahon. “I haven’t been reading scripts yet. I think I will pro­bably start that next year pagbalik ko. Patapos na rin naman ang taon. So come January, I’ll probab­ly start reading. I don’t think I’ll start ­shoo­ting until Dahlia is 1,” pagbabahagi niya.

Para kay Anne ay magandang iba-iba rin ang kanyang ginagawang karakter sa mga pelikula. Agad daw na tatanggapin ng aktres ang proyekto kung talagang maganda ang istorya nito. “For me it really boils down to a really good script. I really like to add to the versatility and different genres that I could experience and tackle as an actress. It makes it more fun for me, being able to challenge myself with different roles that are completely different from one another,” pagtatapos ng aktres.

Sam masayang-masaya kay Catriona, nag-aalala sa amang nasa Ohio

Patuloy na kinakaharap pa rin natin ang krisis na dulot ng covid-19 pandemic. Kahit walong buwan nang ipinatutupad ang community quarantine dahil sa pandemya ay masaya pa rin si Sam Milby dahil mayroon siyang trabaho. Isa ang aktor sa mga bida ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin kasama sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado. “Ayaw ko maging insensitive siyempre, my heart goes out sa mga tao sa buong mundo nitong pandemya. I just feel so blessed to have work and to be comfortable pa rin ang buhay,” bungad ni Sam.

Masayang-masaya rin ang relasyon ngayon ng aktor at Catriona Gray. Ilang buwan nang magkasintahan si Sam at ang Miss Universe 2018. “I’m so blessed, and happy ang puso ko. I’m blessed sa love life definitely. I’m also blessed sa mga tao sa paligid ko I have great friends and I just learned to appre­ciate more during this pandemic. I’m grateful to have people in my life even my sister, ‘yung pamangkin ko, church friends ko,” paglalahad ng binata.

Kasalukuyang nasa Amerika ang pamilya ni Sam kaya kung mabibigyan ng pagkakaton ay gusto raw makabisita ng aktor doon. “My dad kaka-86 pa lang niya. So I’ve been so worried, I’m lucky na kung saan sila sa Ohio, it’s a rural area, hindi masyadong mara­ming tao but of course ‘yung worry na my dad, he’s a bit older na. I can’t go home to see them. So medyo mahirap, not only the challenge of being away sa loved ones ko but the uncertainty of your future,” pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with