^

PSN Showbiz

Half Indian, masuwerte ang kapalaran ngayon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Half Indian, masuwerte ang kapalaran ngayon
Kamala Harris

Mukhang panahon ngayon ng mga Indian o Bombay.

Si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ay isang Indian-Filipino at ngayon ay si US VP elect Kamala Harris ay isang Indian Jamaican American.

Bongga ha. Hindi bale, sure ako magkakaroon din ng leader sa US na Filipino-American. Kasi nga aside from ang daming Pilipino sa US, halos lahat ng bansa meron tayong kababayan. Kalat ang lahi natin all over the world at   maganda ang kombinasyon natin sa ibang lahi dahil nagiging exotic ‘pag nahaluan tayo.

Saka mostly ang immigrants natin na nasa white collar job sa ibang bansa siyempre medyo mataas din ang ranking sa katayuan, kaya hindi malayong mapunta sa mataas na posisyon.

Kanya-kanyang panahon lang iyan, one day, isang Filipino-American naman ang magiging VP ng USA at abangan natin iyan.

Angeline maraming pinakawalang luha

Siguro nga ang sakit mamatayan ‘pag ganitong panahon na malapit na ang Pasko. Lalo pa pag nanay mo ang mawala sa iyo, mas doble siguro ang sakit.

Kaya nai-imagine ko kung anong dami ng luha ang bumagsak sa mga mata ni Angeline Quinto sa pagkamatay ng Mama Bob niya.

Usually kasi, ‘pag buwan ng November nasa mood ka na pinaghahandaan mo na ang darating na Christmas. Inihahanda na ang lahat, eh heto mawalan ka ng mahal mo sa buhay, at iyon pang nanay mo.

Mabuti na lang maraming nakiramay kay Angeline dahil nakita nila kung gaano niya kamahal ang kanyang mama Bob. Pero there are no goodbyes between people who care and love each other, kasi nga, forever nasa utak at puso mo ang mahal mo, hindi mo nalilimutan, hindi mo aalisin ang alaala.

Nandun lang siya, tahimik sa loob mo. Isipin mong nasa tabi mo lang siya, binabantayan ka. Condolence, Angeline. Just pray for her.

vuukle comment

INDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with