^
Angeline nagluluksa, Mama Bob pumanaw na!
Mama Bob at Angeline

Angeline nagluluksa, Mama Bob pumanaw na!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2020 - 12:00am

Tuluyan nang iniwan si Angeline Quinto ng kanyang Mama Bob kahapon.

“Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama.
“Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo. Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasalamat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo.
Hanggang sa muli nating pagkikita
MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB,” ang buong mensahe ni Angeline sa kanyang Instagram page habang nakayakap sa kanyang kinilalang ina na nasa hospital bed pa.

Nauna na siyang nag-post ng “If I had one wish, it would be to hear my Mom say my name again.”

Agad siyang dinagsa ng pakikiramay ng kanyang mga kaibigan at followers kahapon.

Sylvia Quinto sa totoong buhay ang kinalakihang ina ng mahusay na singer.

Laging sinasabi ng Teleserye Theme Song Queen na kung hindi dahil sa kanyang Mama Bob ay walang Angeline ngayon.

“Kung wala po si Mama Bob, siguro wala rin pong Angeline ngayon. Siya talaga ang nagtiyaga sa akin,” banggit niya sa previous interview

September this year nang nanghingi ng dasal ni Angeline sa kanyang followers sa social media.

Sa post nito noong first week of September ay sinabi nitong ang pagkakasakit ng kanyang Mama Bob ang pinakamatinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay sa kalagitnaan ng pandemya at pagkawala ng kanyang trabaho sa pagsasara ng ABS-CBN.

Nang huli namin siyang naka-chika, virtually, last August ay tuwang-tuwa pa siya dahil nagkaroon siya ng time makasama sa bahay kanyang mama dahil sa ipinatupad na lockdown. “Ito ang pinakama­tagal kong nasa bahay lang sa nine years ko sa business. Ngayon nakikita ko na kung ano ang mga kailangang ayusin. So talagang bumabawi ako lalo na kay Mama Bob.”

Hindi inililihim ng sikat na singer si Mama Bob ang nakasama siya simula nang sumali-sali siya sa mga singing contest hanggang manalo sa Star Power na pinag-umpisahan ng kanyang pagsikat. Na ipinapagpasalamat niya na natupad ang dati ay pinapangarap niya lang sa gabay ng kanyang namayapang ina. “Hindi ko naman winish na maging artista noon. Akala ko ‘yung kakanta lang ako sa mga hotel,” sabi ng Tele­serye Theme Song Queen.

Deepest sympathy Angeline.

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with