^

PSN Showbiz

Barbie, natatakot para sa mga kamag-anak sa Bicol na napuruhan ng bagyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, natatakot para sa mga kamag-anak sa Bicol na napuruhan ng bagyo
Barbie
STAR/ File

Sobrang nangamba si Barbie Imperial para sa mga kamag-anak na naninirahan sa Virac, Albay dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly noong Linggo. Ayon sa aktres ay talagang mahirap na mawalay sa kanyang mga mahal sa buhay. “I think the most challenging was mahiwalay ka sa pamilya mo. Before kasi ang pinaka-importanteng bagay sa akin is may trabaho ako. Kasi ‘pag wala akong trabaho, wala akong maibibigay sa pamilya ko. I have family left in Albay and Catanduanes. Wala pa rin kami balita sa kanila. ‘Yung buong Virac at Catanduanes sobrang washed out talaga and maraming namatay,” pagbabahagi ni Barbie.

Ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan ay siguradong mag-iiba na umano ang nakasanayang selebrasyon ng pamilya ni Barbie. “Sobrang iba, kasi before every Christmas umuuwi talaga kami sa Albay sa pamilya namin. But ngayon sobrang delikado, mahirap sumakay ng eroplano. Kahit land travel nga hindi rin gano’n kasigurado na makakapasok ka or makakabalik ka sa dati mong tinitirhan kasi istrikto ngayon. ‘Yung mga travel pass, health clearance. It’s going to be different this year pero masaya ako dahil kasama ko ngayon ‘yung kuya ko and ‘yung mama ko. ‘Yon lang din naman ‘yung importante sa akin, na magkasama kaming tatlo,” paglalahad ng aktres.

Nyoy, may iba nang pinagkakakitaan

Maraming mga kababayan natin ang sumabak sa online selling mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Ngayon ay tinutulungan ni Nyoy Volante ang asawa sa pagbebenta ng mga pagkain online. Para sa singer ay kinakailangan talagang maging maabilidad upang kumita ngayong may kinakaharap tayong krisis. “Basta kapag may isang bagay na naisipan ka, gawin mo. Huwag ka na choosy lalo na sa panahon ngayon. Sa panahon ngayon, lahat ng pwede mong pagkakitaan basta marangal, basta feeling mo hindi makakasakit ng ibang nilalang, gawin mo lahat. Every little bit counts right now, lalung-lalo na ngayon. May binubuhay kang pamilya, may binabayaran kang bills. Nawala ‘yung source of income mo pero ‘yung mga bayarin mo hindi nawala. It makes you stronger kasi lumalaban ka eh. When you are someone na gusto mong ipaglaban ‘yung sitwasyon mo, makakagawa ka talaga ng paraan,” makahulugang pahayag ni Nyoy.

Bukod sa pagkanta ay magaling ding sumulat ng mga awitin si Nyoy. May bagong kanta ang singer na kanyang nilikha dahil nagkaroong muli ng panahon ngayong pandemya. “I released it two weeks ago, ang title niya ay ‘I Wanna Kiss You.’ Gusto ko sana i-point out na noong panahon na nagkaroon tayo ng pandemic, let’s use it. Kasi itong kanta na ito ay nabuo noong nagkaroon ako ng panahon. Hindi man malaki ang pinagkakakitaan but it helps boost your presence, your career. ‘Yung mga maliliit na bagay na ‘yan pwede mong gawin during pandemic,” paliwanag ng singer. Reports from JCC

vuukle comment

BARBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with