_ngayon
^

PSN Showbiz

‘Ang totoong kuwento sa naudlot naming show kasama si Kris’

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âAng totoong kuwento sa naudlot naming show kasama si Krisâ
Kris
STAR/ Fle

Ngayon ko napatunayan ang kasabihang ‘if it’s not meant to be, it will not happen.’ ‘Yung balak na pagsamahin kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu with Kris Aquino sa isang portion ng talk show na ang sponsor ay major supermarket ay nagsimula sa hitches, hanggang sa final decision naming tatlo na huwag nang gawin. Exciting noong una ang idea, lalo pa nga at meron ding soft spot sa puso namin ni Cristy si Kris.

Exciting dahil sa daldal naming tatlo nina Kris at Cristy, siguro ang ingay literally at in fairness, very juicy ang lahat ng lalabas sa mga bibig namin.

But in the end, iyon na nga, may mga bagay na hanggang sa huli the thin thread that binds the idea ay naputol.

In all fairness, kahit na may attitude si Kris, mas mukhang mas matigas ang ulo namin ni Cristy.

Noong una kasi ayaw sana ni Kris kasama si Mr. Fu dahil idea niya na tatlong babae lang, pero pumayag din siyang magkaroon ng trial period at tingnan kung magbi-blend sa amin si Mr. Fu.

Pangalawa, ‘yung technical run, pangatlo ‘yung swabbing. Lahat nang ginusto namin, ibinigay na, ok na sana, nang bigla naka-feel na hindi comfortable si Cristy na magkaroon ng trial period si Mr Fu. So Cristy decided not to do it. I will not do it ‘pag hindi kasama sina Cristy at Mr. Fu. ‘Pag hindi kasama sina Gorgy Rula at Salve, as a group, we are responsible for each other, one for all, all for one.

Iyon ang bonding na naganap sa amin sa digital show na Take It… Per Minute, Me Ganun! ng Pilipino Star NGAYON kung saan nag-umpisa ang aming grupo. Hindi naman sa hindi na kami puwedeng makatrabaho ng iba, hindi naman iyon dapat kaming tatlo ang kunin, or dapat buong team kami, no, ipokrita naman kami if we say it that way. Iyon lang, noong ilatag kasi ang plano at sabihin sa amin, magkasama kaming tatlo, so ayaw namin na may ilaglag na isa sa amin.

Ok, mataas naman ang EQ factor namin at tanggap namin na may iba’t iba kaming talent, ranking or level, pero ‘yung alam na namin na magkakasama kami, tapos meron palang isa na hindi masyadong feel ni Kris, parang iyon ang hindi natanggap ng grupo.

We are happy sa biruan naming barya ang TF ng TIPMMG, at ngayong pandemic, isang malaking grasya ang ibibigay sa aming talent fee ng bagong talk show sana, pero ‘yung saya at enjoyment na nadarama namin every Tuesday together, ‘yung camaraderie, parang compensated na ‘yung barya lang na TF.

No regrets, maluwag sa loob na hindi matuloy ang sana ay pagsasama naming tatlo nina Kris at Cristy. Honestly, Mr. Fu is worth the bullet, masaya siyang kasama sa trabaho, alam niya ang lugar niya, team player siya, very sharp at pleasant.

Sayang at hindi natikman o nakita ni Kris ang qualities na iyon ni Mr. Fu. Sayang at hindi niya nakita how happy we are working together. The only regret for giving up this show, we could have given our followers the top of the line enjoyment in watching us having repartee with each other. For now, let it go. No regrets. If it is not meant to be, no matter how hard you push, walang mangyayari.

Saka siguro, talagang ayaw ng mga angel ko for me to work on a Sunday.

Kaya iyan ang tunay na kuwento, bakit hindi na kami kasali sa Sunday talk show ni Kris Aquino.  Basta all the best, Kris, kaya mo iyan, fighting. Saranghae and goodluck to your show. Promise, watch ko iyan. Love you.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with