^
Gabby may birthday wish sa mga anak

Gabby may birthday wish sa mga anak

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2020 - 12:00am

Ano pa nga ba ang mahihiling ni Gabby Concepcion para sa kanyang birthday? “Medyo malabo dahil magkakaiba sila ng lugar talaga, siguro hindi ngayon at siguro hindi naman kailangang birthday ko but it remains to be my wish na makasama ko sa isang okasyon ang lahat ng limang girls ko. I’ve been seeing pictures nina KC, Garie and Cloie na magkakasama noon, their two youngest sisters were with me. Ngayon naman si Cloie nasa abroad na ulit, pero hindi mo masabi kung minsan magkakasama-sama rin silang lahat,” sabi ni Gabby.

Bukod kina KC, Garie at Cloie, may dalawa pang anak na babae si Gabby sa kanyang asawa ngayong si Genevieve Gonzales na sina Savannah at Samantha Alexis.

Iyong tatlo niyang nakatatandang anak ay puro public figures. Si KC ay isang model, endorser at aktres. Si Garie naman ay pumasok sa singing. Si Cloie ay naging aktres at beauty title holder, at naging kinatawan ng Sweden sa Miss Earth. Kahit ina-dopt si Cloie ng kanyang stepfather, ganoon pa man kinikilala pa rin niyang anak siya ni Gabby dahil ginagamit pa rin niyang pangalan ang Cloie Helena Syquia Concepcion.

Iyong dalawa namang bata na maliliit pa ay nananatiling pribado ang buhay. In fact, hindi sila inilalabas ni Gabby sa publiko, bagama’t sinasabi niyang may dalawa pa siyang anak.

Siguro normal lang naman ang pangarap na iyon ni Gabby na mapagsama-sama niya ang lahat ng kanyang mga anak kahit na sa isang okasyon lamang.

“I was never at odds with anyone of my children” sabi pa ni Gabby. Na totoo naman. Maaaring nagkaroon siya ng problema sa mga nanay ng anak niya, pero ang mga anak niya ay kasundo niyang lahat.

In fact, lahat naman sila ay ipinagmamalaking tatay nila si Gabby.

Rayver, mas naging yummy

Sa kabila ng tensiyon sa paghihintay sa dagok ng bagyong Rolly noong Linggo, napansin namin ang masayang performance ni Rayver Cruz sa kanilang Sunday noontime show. At least doon nailalabas niya ang kanyang talent sa pagkanta at pagsasayaw kung saan siya mas nakilala. Talaga namang napakahusay na sumayaw ni Rayver, dahil siguro nasanay siya dahil dati ay mayroon silang nabuong dance group.

May nagsasabi pa ngang napaka-sexy niya kahit sa mga TikTok lamang na ginagawa niya sa social media.

Pero may talent din naman si Rayver sa acting. Napatunayan na niya iyan sa ilang drama anthology kung saan siya napanood. Ganoon din naman sa mga pelikulang nagawa niya noong araw pa. Kaunting push lang sana ang kailangan pa, mas aangat ang popularidad niyang si Rayver.

Lalo pa nga siyang naging pogi nang mag-mature siya.

Pumatol daw kasi sa producer… male starlet naagawan ng baguhan

Usap-usapan ngayon ang nangyaring agawan daw ng isang baguhan at isang hindi naman sumikat na male starlet para sa isang role sa pelikula. Naniwala ang dating male starlet na siya na nga ang bida sa pelikula dahil iyon ang ipinangako ng kumausap sa kanya. In fact, sinasabi nga niyang magkakaroon siya ng press conference para roon. Pero noong maging final na ang casting, isang baguhan ang ginawang bida at siya ay supporting role na lang. Nang matanong siya sa social media kung bakit, mabilis niyang sinagot na “kasi iyong kinuha nila pumatol sa producer.”

GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with