^

PSN Showbiz

Sylvia, sinubukang kunin ng TV5 at GMA

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, sinubukang kunin ng TV5 at GMA
Sylvia
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, may mga artistang suwerte talaga kahit na may COVID-19 pandemic.

Isa sa mga artistang tinutukoy ko ay si Sylvia Sanchez.

Tahimik lang ang premyadong aktres, pero nang hindi ma-renew ng kongreso ang franchise ng ABS-CBN para sa kanilang free TV frequency, nagkaroon pala ng offer si Sylvia mula sa TV5 at GMA 7.

Tsika ng source ko, si Sylvia nga sana ang magbibida sa Paano Ang Pasko, ang Christmas-serye ng TV5 na produced ng Cignal Entertainment at line-produced ng The IdeaFirst Company ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana.

Ang sa Kapuso network naman daw ay ‘yung series na pagbibidahan ni Ruru Madrid ang in-offer kay Sylvia.

Dagdag pa ng source ko, tinawagan daw ng isang taga-Siyete ang mana­ger ni Sylvia para sana sa series kung saan ay gaganap siyang nanay ni Ruru.

Parehong hindi pumuwede si Sylvia sa dalawang projects na ‘yon dahil may Dreamscape project siyang naka-line up sa Kapamilya network.

Isa nga si Sylvia sa mga artista ng star-studded new series na Huwag Kang Mangamba kasama ang The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri, with Eula Valdez, Mylene Dizon, Diether Ocampo, RK Bagatsing, Matet de Leon, Angeline Quinto at iba pa.

‘Yung sa TV5 pala, inaayos sana ang schedule dahil six weeks lang naman tatakbo ‘yon, pero magkakasabay raw sa dulo ng taping ng Paano Ang Pasko at sa Huwag Kang Mangamba, kaya hindi talaga puwede.

In fairness kay Sylvia, magaling din kasi siyang makisama sa co-stars, sa staff, pati sa mga crew, kaya naman hindi rin siya nawawalan ng proyekto, huh!

At least, kahit nagka-COVID-19 din ang premyadong aktres, sinusuwerte pa rin siya ngayong panahon ng pandemic.

Agree, Ateng Salve?!

Premyadong aktres, mahigit dalawang buwang nagdusa sa COVID-19

Speaking of COVID-19, alam mo ba, Ateng Salve, may isa ring premyadong aktres ang nagkaroon din pala ng ganitong sakit, pero tahimik lang siya.

Hindi na siya nagsalita pa tungkol sa naranasang sakit.

Pero lampas pala sa dalawang buwan siyang na-isolate dahil doon.

Sabi ni aktres, “Alam mo naman ang iba, kapag nagka-COVID-19 ka, iba ang tingin sa ‘yo. May discrimination talaga ang iba kahit magaling ka na.

“Pero dusa ang dinanas ko. Lampas isang buwan ‘yung symptoms ko, pero kahit ok na ako, hindi pa rin ako lumabas,” sabi ni aktres.

Nasa loob lang daw siya ng kuwarto at ni walang ibang taong pumapasok doon.

Dinadalhan daw siya ng pagkain sa may pintuan lang ng kanyang kuwarto.

“Pumayat ako ng 15lbs dahil wala talaga akong ganang kumain. Hindi ko malasahan ang pagkain. Ni hindi ko maamoy. Nawalan ako ng pang-amoy.

“Kahit pabango, wala. Dusa talaga ako,” sabi ng aktres.

Noong unang ikinuwento sa akin ni aktres ang tungkol sa sinapit niya, ok lang daw na isulat ko ang tungkol doon, pero nagbago siya ng isipan, huwag ko na lang daw siyang pangalanan.

Pero ngayon naman daw, magaling na magaling na si aktres, kaya nang malaman niya na nagtatrabaho na ako, pinayuhan niya ako na magpa-swab test palagi, just to be sure!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with