^

PSN Showbiz

Barbie, nalilito sa sariling image

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, nalilito sa sariling image

Isa si Barbie Imperial sa mga bida ng teleseryeng Bagong Umaga na napapanood sa Kapamil­ya Channel. Kasama ng aktres sa bagong proyekto sina Yves Flores, Kiko Estrada, Michelle Vito, Hea­ven Peralejo at Tony Lab­rusca. Matatandaang nagpaseksi na si Barbie sa Araw Gabi kung saan nakatambal si JM de Guzman at ngayon ay balik-wholesome na ulit ang imahe ng dalaga. “Oo nga po eh, pati nga RM (road manager) at handler ko nalilito rin po kung ano ba talaga. Like ‘yung ginawa ko kay Vhong (Navarro), nag-Mang Kepweng kami. ‘Yung ibang nakaka-love team ko, siguro mga 10 or 15 years older than me. Tapos ngayon naman po, nakabalik na ako sa mga kaedad ko,” nakangiting pahayag ni Barbie.

Walang problema sa aktres kung ano man ang tema ng kanyang mga ginagawang proyekto. Ang mahalaga para kay Barbie ay maganda ang istorya at masaya siya sa trabaho. “Masaya ako kapag maganda ang istorya na binibigay sa akin mapa-daring man po ‘yan o pa-sweet lang. Kahit naman po pa-sweet lang ‘yung role, or daring or kontrabida or bida or kahit small role lang, nasa ‘yo pa rin po ‘yon kung paano mo papagandahin ‘yung role na binibigay sa ‘yo at kung paano ito magmamarka sa mga taong nanonood,” paliwanag niya.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Barbie sa pamunuan ng Kapamiya network dahil sa patuloy nitong pagtitiwala sa kanya. Matatandaang nagsara ang ABS-CBN kamakailan dahil hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ng Kongreso. “Mahirap talaga ‘yung nangyari sa ABS-CBN. Siyempre ‘yon na po ‘yung trabaho ko eh. At the same time, iba po talaga ‘yung tiwala ko sa ABS na kahit nag-close hindi po kami pinabayaan. Para sa amin malaking bagay po ‘yon na sinisigurado po nila na kahit nagsara na, hindi po nila kami pababayaan,” paglalahad ng aktres.

Aubrey, nag-e-enjoy na walang yaya sa bahay

Magwawalong buwan nang ipinatutupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Kahit walang ginagawang mga proyekto ngayon ay masaya naman ang mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero dahil naaalagaan at natutukang mabuti ang mga anak.

Magdadalawang taong gulang na sa Dis­yembre ang bunso  nilang si Rocket. “Sobrang nag-e-enjoy ako ngayon. Sinabi rin namin na sana ito na ‘yung last namin. Ayaw ko na. parang na-realize namin na ang saya na ng tatlo. Parang tamang-tama na ‘yung happiness namin. Then parang walang yaya, nag-e-enjoy ako. Pare-pareho ang love mo, pero iba-iba ang expe­rience mo bawat anak. So siya talaga ‘yung, oh my God! Parang feeling ko every­day kahit umiiyak, ang cute naman nito. Kahit nagwawala, ay ang cute. Nag-e-enjoy ka,” kuwento ni Aubrey.

Para naman kay Troy ay mayroon ding magandang naidulot ang pandemya para sa kanilang buong pamilya. “It has given us more time with the family, more bonding moments. Parang more time na when your kids talk to you, hindi siya rush kasi you’re not going anywhere. Minsan-minsan lang we go out of the house pero most of our work is online lang. In a way it’s given us a chance to bond and become closer, all of us,” paliwanag ni Troy. (Reports from JCC)

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with