^

PSN Showbiz

Luis at Jessy, ikakasal na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Luis at Jessy, ikakasal na?!
Luis at Jessy

Parang sa kasalan na nga hahantong ang Luis Manzano-Jessy Mendiola romance.

Sabi raw ni Ate Vilma Santos malapit na siyang magkaapo, at mukha namang going strong ang relationship nina Luis at Jessy.

Iyang pagpapakasal ng lalaki usually nasa right timing, ‘yun bang tipong parang bigla ito na ang oras na gusto niya, so bigla na lang maririnig mo, may plano nang kasalan.

Matagal-tagal na rin naman ang Luis-Jessy romance kaya alam mo na doon na rin ito papunta. Swak naman ang personalidad ng dalawa kaya bagay na bagay.

Mukha ngang cute ang magiging mga apo ni Ate Vi.

Happy news basta happy ending ang bawat romance.

Magiging big wedding na naman ito sa showbiz ‘pag nagkataon.

Imagine Luis at Jessy tying the knot at last.

Bag ng mga artista na laging bitbit ng mga PA, nakakahilo ang halaga

Hindi ko maintindihan ‘yung mga presyo ng mga bag nina Sharon Cuneta, Heart Evangelista, Regine Velasquez na nakakalula sa taas ng presyo.

Kasi usually ‘di ba ‘yung mga bag ng celebrities ang may dala ay ‘yung mga alalay nila? Dahil nga madalas hindi naman sila ang may hawak ng bag kaya minsan hindi mo napapansin.

Saka ok lang, puwedeng investment, pero ganu’n kamahal? Hindi ba vanity na iyon?

Ok karapatan nila dahil pinagpaguran naman nila ‘yung pera na ibinili, ‘di ba parang wow pero parang ang hirap bitawan ng ganito kala­king halaga para sa isang bag?

Maintindihan ko pa kung alahas, pero bag o sapatos, at milyon ang halaga, naku parang hindi ko mabubunot ang pera o maisulat sa tseke ‘pag ako ang bibili.

Pero kanya-kanyang hilig iyan, kanya-kanyang happiness. Ok, if it will make you happy, go lang.

Sarap sigurong hampasin ng bag na ganyan kamahal, iba siguro ang sakit at feeling, hah hah.

Alam kaya ng mga alalay nila na mahal ang dala niyang bag?

Hahaha.

Mga biktima ng bagyong Rolly, kailangan ng pantay na ayuda

Tiyak ko, tuliro na naman ang ma­yors ng mga lugar na inabutan ng hagupit ng bagyong Rolly.

Siyempre pa kailangan na naman ang sapat na tulong para sa mga taong nasalanta.

Sana nga ay handa ang ating gobyerno para mabigyan ang lahat ng tulong. Sana sapat ‘yung pagkain at gamit, sana hindi marami ang biktima, sana konti lang ang namatay at nasugatan.

Kahit papaano nakatulong ang paghahanda, pero sobra talaga ang lakas ng hangin kaya marami ang nagibang bahay.

Ngayon lang ako nakarinig ng signal number 5 na buti na lang at lumihis ang bagyo sa Metro Manila. Pero sa nakita mong devastation sa Bicol, talagang maaawa ka.

Maging maayos sana ang distribution ng tulong, huwag na sana itong mahaluan ng pulitika.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with