^

PSN Showbiz

Annabelle Rama iba ang hitsura sa birthday salubong

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Annabelle Rama iba ang hitsura sa birthday salubong
Annabelle Rama
STAR/ File

Ang intimate birthday dinner salubong ni Annabelle Rama noong Friday sa Bloom Café + Bar sa Greenbelt 2.

Marami ang nagulat sa kakaibang hitsura ni Bisaya. Naka-wig ba ang misis ni Eddie Gutierrez o buhok niya mismo ‘yon? “Make a guess. Hahaha!” ang masaya at natatawang sagot ni Bisaya sa mga guest niya that evening.

Masaya si Bisaya sa pagdating ng ilang mga kaibigang malalapit. Nami-miss daw niya ‘yung big parties kapag nagse-celebrate siya ng kanyang kaawaran, pero alam niya na imposibleng mangyari ‘yon sa ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Present sa intimate birthday dinner salubong niya si Ramon Christopher at ang apat nitong mga anak.

Biniro ko sina Janine at Diego Gutierrez kung napansin ba nila na hawig ng hairstyle ni Bisaya that night ang hairstyle kung minsan ng lola nilang si Pilita Corrales. May ganoong hairstyle rin kasi si Tita Pilita.

Kalalabas lang ni Bianca Manalo sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Batangas, kaya nakapunta siya sa intimate birthday dinner salubong ni Bisaya. Siyempre, kasama niya ang boyfriend na si Senator Sherwin Gatchalian.

Mga kaibigan na nila ang nagsasabing mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon. Marahil kung hindi nagkaroon ng pandemic ay baka engaged na rin sila.

Noon ko pa naririnig na may planong magpakasal ang former beauty queen at ang senador.

Well…

Nasa intimate birthday dinner salubong din ni Bisaya ang beauty expert na si Cathy Valencia. Mukhang naka-get over na nga si Cathy sa ex-boyfriend niya na isang aktor.

May ka-date kasi that night si Cathy na mas guwapo pa sa aktor na ex-boyfriend niya.

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

ANNABELLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with