^

PSN Showbiz

Mayor Goma, puwede na sa mas mataas na puwesto

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Goma, puwede na sa mas mataas na puwesto
Richard Gomez
STAR/ File

Understan­dable kung bakit medyo mahirap ng makausap si Mayor Richard Gomez mula nang maging mayor siya ng Ormoc City. Alam nang karamihan kung gaano siya ka-hands on sa mga nangyayari sa Ormoc at talagang passionate siya sa kanyang ginagawa. Si Richard ang isang patunay na kung gusto mo talagang maabot o marating ang isang pangarap, magagawa mo.

Noon pa gusto ni Richard ang pulitika, ilang beses nag-try at ngayon ipinapakita niya ang husay ng isang lider ng bayan.

Kaya hindi ako magtataka kung sa susunod na kumandidato siya ay mas mataas na puwesto na. Nasa kanya ang passion at  will na mas magdagdagan pa ang mga proyekto niyang makakatulong sa marami.

Saludo ako sa ‘yo Mayor Goma. Isa ka sa maipagmamalaki nating mayor sa ngayon na galing showbiz.

Isang pulitiko na may puso para sa tao.

Pat-P. emosyonal nang magpaalam sa ‘loveteam’ nila ni Peter

Parting is such sweet sorrow. Kaya relate ako kay Pat-P. Daza nang medyo na-choke at pinigil ang iyak bago nagpaalam sa kanilang programa na Pasada630 sa Teleradyo noong Biyernes.

Seven long years silang nagkasama ni Peter Musngi sa kanilang programa at siyempre iba na ang bonding nila. Iyon lagi ang napi-feel mo sa tuwing mawawala sa iyo ang isang programa na bahagi na halos ng routine mo araw-araw. Iyon bang a part of you parang nawala, isang empty spot ang iiwan nito sa puso mo.

I can relate with Pat-P kasi ganyan lagi ang feeling ko sa tuwing magtatapos ang programa kung saan ako kasama. More than the money na kinikita mo dun, iyon feeling na mahihiwalay ka na sa mga kasama mo ang mas masakit. Para bang ang hirap ng process ng detachment sa nakagawian mo nang ginagawa at sa mga kasama mo.

Imposible na hindi ka maiyak kahit pigilan mo.

Sa isang tulad ni Pat-P na emotional, sure ako that night hindi siya makatulog, iniisip niya iyon mga happy moment niya sa Teleradyo, iyon mga repartee nila ni Peter. But thankfully meron na siyang Brightlight family na makakasama niya uli para gumawa ng panibagong happy memories sa buhay niya.

Don’t despair Pat-P, who knows, later on, ma-rehire ka at balik loveteam na naman kayo ni Peter. Sa ngayon ang ka-loveteam mo muna ay si Papa Albee Benitez, make your life brighter with Brightlight Productions.

GOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user