Sandra Lemonon may death threats daw
Sandra
STAR/ File
Sandra Lemonon may death threats daw
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

Try and fail but do not fail to try.

In a nutshell, ganito ang message ni former Miss Universe Gloria Diaz sa mga sumasaling hindi nanalo sa beauty contest particular na sa katatapos na Miss Universe Philippines. “Yun naman ang uso ngayon, join, join, and join until you win,” banggit ng actress kahapon sa Zoom conference habang naka-lock-in taping sila taping sa Oh My Dad ng Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez na napapanood sa TV5 every Saturday.

Nagagandahan naman siya sa nanalong si Rabiya Mateo dahil kamukha raw ng anak niyang si Isabelle Daza - Belle.

Samantala, diumano’y nakatanggap ng death threats si Sandra Lemonon, pagkatapos nga nitong mainit na issue kung saan sinabi niyang meron siyang pasabog.

Sa kanyang screenshot na nasa IG story niya, makikita na nag-uusap sila ni Miss Manila Alexandra Abdon tungkol doon. “I have death threats and people telling me I’m stupid and etc… When all I want is to protect us girls and have fair treatment. Hai.”

“Wag ka maniwala sa mga yon. Most of the people hating you are a bunch of sweetheart sticker,” sagot naman ni Miss Manila sa naging representative ng Taguig.

“Isa ako sa mga nagmamahal sayo plus 44 more girls. Wag ka papasira sa mga may ayaw sa ‘yo,” dagdag pa ni Miss Manila.

Nakasama naman sa Top 16 si Ms. Lemonon pero pagkatapos nun ay nag-IG siya ng “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts” na pinag-umpisahan ng malaking kontrobersiya.

SANDRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with