Lou-Dre, adjusted na sa LDR
Lou Yanong at Andre Brouilette
STAR/ File
Lou-Dre, adjusted na sa LDR
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

Nananatiling matatag ang relasyon nina Lou Yanong at Andre Brouilette kahit na magkahiwalay ngayon ang magkasintahan.

Kasalukuyang nasa Hawaii si Andre kasama ang pamilya at narito naman sa Pilipinas ang dalaga. “No­thing’s changed. Sabi ko we really have to be more mature about this. Kailangan matatag tayo. And even before pa umalis si Andre, nag-usap kami na may malaking chance na we both will change because you will go back in Hawaii and back here I’m with my family. I’m going to be with my friends. Sabi namin sa isa’t isa may malaking chance na magbago tayo and kailangan ulit nating kilalanin ang isa’t isa. Pero ayun, kakayanin,” pagbabahagi ni Lou.

Matatandaang unang nagkakilala ang magkasintahan nang maging housemates sa Pinoy Big Brother noong 2018. Katulad ng ibang magkarelasyon ay nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan ang magka­sintahan.

Ayon kay Andre ay agad din naman nilang naaayos ni Lou ang gusot sa pagitan nila. “I’m actually very happy to say that when we do have our… I think we had a couple of away but we resolved it really well. We both actually had a lot of more patience when we’re talking. We are trying our best to really adjust. It really does come with respect and trust. And also we always, put God in the middle of our relationship and it helps us so much in beautiful ways,” paglalahad ni Andre sa pamamagitan ng Zoom.

Erap handa na ang nitso kahit malakas na malakas pa

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita ni Jinggoy Estrada sa sariling YouTube channel na Jingflix ang nitso na paglilibingan ng amang si Joseph Estrada.

Kahit malakas na malakas pa ngayon ay naisipan umanong magpagawa ng sari­ling nitso ang dating Pangulo ng Pilipinas dahil gusto nitong mailibing sa kanilang rest house sa Tanay, Rizal. “Maniwala kayo o hindi, pati ako nagulat kung bakit siya nagpatayo. Noong nakita ko ito, tinanong ko, ‘Bakit ka nagpagawa nito? Buhay na buhay ka pa, Dad?’ Ito ang ipinagawa ng tatay ko, saka-sakaling may mangyari sa kanya. Gusto niya raw dito siya,” kuwento ni Jinggoy.

Sa tabi ng nitso ay mayroong isang malaking itim na bato na madalas daw upuan noon ni Presidente Estrada. “Kasi no’ng nakulong siya dito, ito ang kanyang paboritong lugar, itong batong ito na parang silya. Dito siya lagi umuupo at dito siya nagme-meditate at dito siya nagdarasal. Dito sa tabi ng puno, dito siya laging nakaupo,” pagbabahagi ni Jinggoy.

Nabili umano ni Presidente Estrada ang rest house sa Rizal noong 1971 nang kasikatan nito bilang aktor. Dito rin nakulong ang dating Pangulo sa loob ng apat na taon at ginawa na itong Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives.  (Reports from JCC)

ERAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with