Michele Gumabao, ayaw na uling sumali sa beauty pageant!
Michelle
STAR/ File
Michele Gumabao, ayaw na uling sumali sa beauty pageant!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

Lalong umiinit ang usapan sa bagong Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo dahil sa mga komento at isyu na rin ng ilang talunan. Hanggang ngayon ay wala pa rin  naman ang pasabog ni Sandra Lemonon, at may ilan ngang nagbigay na ng suporta para kay Rabiya. Si Michele Gumabao naman ay naiintrigang nagbi-bitter pa rin dahil hindi siya nakikita sa ilang activities ng Miss Universe Phili­ppines. Siya lang kasi ang wala sa Tutok to Win ng Wowowin ni Willie Revillame noong nakaraang Huwebes.

In fairness naman kasi  sa gues­ting nilang iyon, nabi­gyan ng kanya-kanyang moment ang mga beauty queen, at hindi lang kay Rabiya.

Pero bago yan ay kasama naman pala si Michele sa ope­ning ng bagong E Learning Center na binuksan ng major sponsor nila.

Kay Michele din na-focus doon dahil siya ang nai-interview at doon niya nabanggit na retired na siya sa pagsali sa mga beauty competition dahil sa kanyang edad.

Hindi na siya uli makakasali sa Miss Universe Philippines dahil 28 na siya ngayon, at overage na iyon.

Gusto naman daw niyang mag-focus sa ibang career, dahil may mga nasimulan na siyang negosyo.

Si Rabiya naman ay lalong minahal ng karamihan, at pati nga ang pagbigay ng cellphone sa kanya ng isang fan ay napa­balita pa.

Gustong-gusto rin siya ng first Pinay Miss Universe na si Gloria Diaz.

Siya raw ang pinakamaganda sa naturang kompetisyon dahil sa kanya naiputong ang korona, siya ang pinakamasuwerte. “I love the winner. She’s so beautiful,” bulalas ni Gloria sa virtual mediacon ng sitcom nila sa TV5 na Oh My Dad ng Brightlight Productions.

Hindi na rin daw siya nagulat sa mga isyung kinasangkutan nito. Hindi naman daw nawawala iyon tuwing may ganu’ng beauty competition.

“I don’t know…but every year naman laging ganun eh. Controversial, hindi dapat…siyempre, everybody wants to win.

“’Pag natalo ka ang sabi nila dinaya ka. That’s the usual thing,” pakli ng Miss Universe 1969.

Pero bagay daw kay Rabiya ang title na iyon, lalo na’t kamukha raw ito ng anak niyang Isabelle Daza. “Super ganda, kasi kamukha ni Belle. “She’s very natural. I like her answer. “Actually, there were so many pretty ones.

“People should not forget na ‘pag may nanalo, ibig sabihin siya na ang pinakamaganda. Siya ang pinakamasuwerte. Pag hindi ka ngayon nanalo, just try again. ‘Pag hindi pa, try again. ‘Di ba yan ang mga ginagawa ngayon?

“’Yan na kasi ang uso nga­yon,” sabi pa ni Gloria.

Gustong iparating ni Gloria sa mga kababaihan na kung tingin nila kaya pa nilang lumaban, sali lang daw nang sali kung hindi pa masusungkit ang korona. “Basta maganda just like my daughter, okay. ‘Pag hindi sila kamukha, hindi maganda,” napapangiting biro ni Gloria.

Sa ngayon ay naka-lock in pa rin sina Gloria kasama ang iba pang cast ng Oh, My Dad na sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Ureta at marami pa.

Mapapanood ito sa TV5 tuwing Sabado 5 to 6 ng gabi.

Noontime shows, may rambulang nagaganap

Matinding bakbakan na naman ang daily variety noontime shows ngayong araw dahil isi-celebrate ng It’s Showtime ang kanilang 11th anniversary.

At mukhang pinaghandaan din naman ito ng Eat Bulaga dahil ang dating beauty queen at national director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup ang maglalaro sa Bawal Judgmental.

Bukas din sa Lunch Out Loud ay lalabas na si Alex Gonzaga na pinutakti raw nang pangangan­tyaw ng co-hosts niya. Halloween party sila bukas, kaya aapir si Alex na naka-Annabelle doll.

Wala namang Happy Time sa Net 25 tuwing Sabado. Pero ang isa pang naririnig namin ay ang binubuo raw nga­yong daily variety-noontime show ang PTV 4.

Pawang mga komedyante naman daw ang tampok dito na ang ilan sa mga narinig naming kasama ay sina Ate Gay, Boobsie, Iyah Mina, at EJ Salamante. Kasali rin daw sina Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica at iba pang talents ng ALV. Ang title raw nito ay Good Laughter Noon, at ewan ko lang kung totoong may special segment dito ang Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with