_ngayon
^

PSN Showbiz

'Awit, inahit!': Vice Ganda kinalbo sariling kilay sa TV bilang parusa

James Relativo - Philstar.com
'Awit, inahit!': Vice Ganda kinalbo sariling kilay sa TV bilang parusa
Makikitang inaahit ng tanyag na aktor ang kanyang kanang kilay live on television, Biyernes, bagay na nag-trending no. 2 sa buong mundo sa Twitter.
Mula sa Twitter account ng "It's Showtime"

MANILA, Philippines — Lumikha uli ng ingay sa social media ang "Unkabogable" star na si Vice Ganda ngayong araw — hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo — matapos kumasa sa isang parusa sa "It's Showtime."

Si Vice kasi ang naging contestant sa kanilang "Mas Testing" segment, Biyernes, bagay na nauwi sa isang "FUNishment" matapos hindi nahulaan kung sino ang mas "bitter" ang feslak kina MC Calaquian at Lassy Marquez sa kanilang pag-inom ng ampalaya juice.

Inutusan tuloy ang box-office comedian na ahitin ang kanyang kilay. At para maging mas malala, isa lang ang ipinaahit para hindi pantay.

"Will you still love me without my eyebrow?" takot na pagtatanong ni Vice sa boyfriend na si Ion Perez bago padaanin ang pink razor sa ibabaw ng mata.

"Ito ang unang-unang nakalagay sa konstitusyon ng mga bakla. Kailangan perfect ang kilay."

 

 

Bagama't namaalam ang kanyang kanang kilay sa mukha, nasuklian naman ng paggiging no. 2 trending worldwide at no. 1 trending sa Pilipinas ang nangyari kay Vice sa social networking site na Twitter.

"Trending for the VERY wrong reasons!" iyak-tawang tugon ng aktor. 

 

 

Namigay din naman ng P110,000 si Vice sa isang swerteng viewer matapos bigong mabentahan ng halaman si Charo Santos-Concio, isang kilalang ABS-CBN executive.

"110K para sayo.  Pls use it wisely ha. God bless you! I love you!!!!" sambit niya sa isang tweet.

Kamakailan lang nang magtrending din ang parehong palabas matapos i-like ng aktres na si Kim Chiu ang limang litrato ng kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson bilang FUNishment, kung saang nadulas pa siya sa diumano'y "real score" sa pagitan ng dating nobyo at aktres na si Julia Barretto.

IT'S SHOWTIME VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with