'Celebrity manghuhula' na si Madam Auring pumanaw sa edad na 80
Litrato ni Madam Auring (kaliwa) kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Mula sa Facebook ni Simon Pecson
'Celebrity manghuhula' na si Madam Auring pumanaw sa edad na 80
(Philstar.com) - October 30, 2020 - 3:35pm

MANILA, Philippines — Pumanaw na ang isa sa mga pinakatanyag na manghuhula't aktres sa bansa na si Madam Auring, pagkukumpirma ng kanyang pamilya ngayong araw.

Kilala bilang "Aurea Erfelo" sa totoong buhay, ipinanganak si Auring taong 1940. Siya'y 80-anyos.

"#RestInPeace my Lola.  few days ago binisita kita magkausap lang tayo... You shall always be in our hearts. Love you," sabi ng kanyang apong si Simon Pecson sa Facebook, Biyernes.

"Grabe ang pinag daanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family (us) i feel sad and happy."

 

#RestInPeace my Lola ???? few days ago binisita kita magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong at mga...

Posted by Simon Pecson on Thursday, October 29, 2020

 

Ayon sa kanyang apo, malungkot ang pagkawala ng kanyang lola lalo na't hindi na niya maririnig ang kanyang mga paalala't "korni" na jokes, maliban sa pagkurot ng kanyang pisngi hanggang mamula.

Gayunpaman, maligaya ang kanyang mga naiwanlalo na't ipinadama naman daw niya ang mainit na pagmamahal.

"You fought your battles silently. Magkikita na kayo ni Mama sa kabilang buhay," patuloy ni Simon.

Ilan sa mga kilalang prediksyon niya ay ang pagkakapanalo ng boksingerong si Muhammad Ali sa kanyang makasaysayang sagupaan laban kay Joe Frazier, sa tinaguriang "Thrilla in Manila" noong 1975. — James Relativo

MADAM AURING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with