Mikael naalala nang nakawan sa condo
Mikael naalala nang nakawan sa condo
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Isa raw sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Kapuso actor Mikael Daez ay nang looban ang da­ting condo unit nila ng kanyang kapatid. Sa latest episode ng podcast nina Mikael at Megan Young na #BehindRelationshipGoals, pinag-usapan ng dalawa ang pros at cons ng paninirahan sa condo laban sa bahay. Ilan sa mga natalakay ng mag-asawa ang maintenance, convenience, cleanliness, security at iba pa.

Kaya hindi naiwasan ni Mikael na ikuwento ang sinapit na karanasan nang minsang manakawan ang dating condo unit nila ng kapatid na si Nicky sa Katipunan. Aniya, “This was one of my most painful, one of my first extremely painful events after college. So we were living on the second floor of the condo, me and my brother. We had just invested in some production equipment which was very expensive. So we were renting it out, ‘yun ‘yung parang side hustle namin.

“It was my fault and I’m sorry Nicky, it was my fault. I forgot to check the windows because I never ever had to check windows before. I left the condo and when my brother and I got back, all our stuff was missing.”

Sey pa ng aktor, masakit daw dahil halos buong investment nila ang natangay sa isang iglap lang.

Samantala, naghahanda na rin sina Mikael at ang buong cast and crew ng GMA series na Love of my Life sa kanilang nalalapit na lock-in taping.

Nauna nang tumanggi sa lock-in taping ang misis niyang si Megan Young.

MIKAEL DAEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with