Super Tekla gustong makipagbalikan sa ka-live in?!
Donita
STAR/ File
Super Tekla gustong makipagbalikan sa ka-live in?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Maluwag na ang pakiramdam ni Super Tekla ngayong naabswelto siya sa isyu nila ng dating live in na si Michelle Lhor Bana-ag.

Nagpahayag na si Raffy Tulfo na tutulu­ngan niya si Tekla na makuha ang custody ng bata matapos tumangging magpa-drug test si Michelle.

Binanggit din ng mama­mahayag na sasagutin niya ang pagpapa-opera sa baby dahil sa disability nito.

Kaya madamdamin ang post ng komedyante sa kanyang Facebook account na kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kanya at nakiusap na rin siyang huwag na raw sanang i-bash pa si Michelle at ang pamilya nito.

Sa post niyang iyon ay special mention niya ang bestfriend niyang si Donita Nose at ang manager niyang si Rose Conde na talagang hindi raw siya iniwanan sa gitna nitong mga pinagdaanan niya.

Nakapanayam namin si Donita Rose sa radio program namin sa DZRH noong Miyerkules ng gabi at masaya na raw siya para sa kaibigan niyang si Tekla dahil okay na raw ito ngayon at nakikita raw niyang gusto na nitong mag-move on na mag-isa na lang.

Tumutulong lang daw siya kay Tekla dahil mahal niya ito bilang isang matalik na kaibigan. Pero pagdating daw sa lovelife ay hindi raw niya ito pinapakialaman.

Alam niyang nagkausap na raw sina Tekla at Michelle at maayos na silang naghiwalay. Pero hindi lang daw niya alam kung gusto pa ba nitong makipagbalikan.

Kinausap daw niya si Tekla at pinayuhan din niya. “Regarding sa lovelife, wala akong pakialam diyan. Desisyon mo ‘yan. Kung ano magpapasaya sa ‘yo dun ka,” sabi raw niya sa kaibigan.

Sa ngayon ay nalinis na raw nila ang condo unit ni Tekla, pero marami na raw kailangang ayusin. Nakakatuwa lang daw dahil nang ipinost nila sa kanilang YouTube channel ang paglilinis sa napakaruming condo ni Tekla, ang dami raw nag-alok na tutulong sila sa pag-repair at paglalagay ng gamit. Nagpasalamat doon si Donita at humingi na rin ng sorry dahil hindi lang daw nila nasagot ang lahat na mga komento at ang mga nagparating ng tulong.

Allan parang may ibang anak

Ang lakas ng support sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na launching project ng baguhang aktor na si Sean de Guzman.

May Jaclyn Jose, Jay Manalo, Emilio Garcia at si Allan Paule na siyang gaganap na tatay ni Sean.

Nang magharap nga sila sa mediacon nila nung nakaraang Miyerkules, ang da­ming nagulat na magkamukhang magkamukha sila.

At ang nakakaloka pa, De Guzman pala ang tunay na apelyido ni Allan. Kaya biniro raw niya si Sean na gustong tingnan ang litrato ng nanay nito at baka hindi lang daw niya alam. Pero sure naman daw si Sean kung sino ang tatay niya. Nagkataon lang na magkamukha lang silang dalawa kaya si Sean na ang kinuhang bida sa pelikulang ito na first production ng Godfather Productions ni Joed Serrano at idinirek ni Joel Lamangan.

Ukay...

Ang saya sa Makati ngayong nalalapit na ang Pasko dahil may bagong project ngayon si Mayor Abby Binay na 1-Day Sale na Ukay ni Abby.

Magbebenta sila online ng mga pre-loved items ni Mayor Abby na ang kikitain nito ay gagamitin para sa mga Christmas packs para sa ating frontliners.

Gusto lang daw ni Mayor Abby na makatulong sa sarili niyang paraan para kahit paano ay makapagpasaya naman sa ating mga kababayang nahihirapan pa rin sa panahon ng pandemya.

SUPER TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with