Jake, naging intense sa climax ng scorpio
Jake
STAR/ File
Jake, naging intense sa climax ng scorpio
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Simula bukas ay mapapanood na ang pelikulang Sitsit sa pamamagitan ng iwanttfc.com. Pinagbibidahan ni Ivana Alawi ang Aswang episode at ni Jake Cuenca ang Scorpio episode ng naturang horror film.

Matatandaang nagbida na rin si Jake kamakailan sa digital movie na Love Lockdown kaya sanay na ang aktor sa pagtatrabaho ngayong may mga ipinatutupad na safety protocols dahil sa pandemya. “As an actor at least naka-lock-in ka. Naka-focus ka lang talaga sa trabaho. Or kung gusto mo i-method ‘yung role na ginagawa mo, you just wanted to stay in the character the whole time, pwede mo gawin. Also ‘yung isang pro din is ‘yung working hours ngayon mas okay din. We’re just working 14 hours a day. Istrikto sila with the protocols and everything. As an actor, marami rin talagang pros ‘yung new normal for me,” paliwanag ni Jake.

Ayon sa aktor ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang kanyang bagong karakter sa bagong proyekto. Sexy horror ang tema ng Scorpio kung saan ginampanan ni Jake ang karakter ni Danny. “I knew what I was signing up for right away. I knew what the project demanded. Hindi naman masyado naging challenging. Medyo nakakatakot talaga, I would say really to the highest level. Kasi na-obsess siya with his fantasies to the point na nakakasakit na siya ng iba. Inaabuso na niya ‘yung potion na ininom niya. In a way, parang kung pagdating sa acting, yes, we took it to the extremes. No’ng umabot kami sa pinaka-climax ng story, it was very, very intense,” pagdedetalye ng aktor.

Bidaman Jin, abala sa aso at halaman

Mayroong magandang naidulot ang pagpapatupad ng community quarantine kay Jin Macapagal. Para sa Bidaman grand winner ng It’s Showtime ay nagkaroon siya ng oras para sa sarili ngayong nabawasan ang mga ginagawang trabaho. “Kasi ngayon pong quarantine ang daming uncertainties. Naging mabilis ang taon sa akin mula nang pagpasok ko rito (sa show business). Maraming work na dumating pero biglang tumigil. Ngayon lang po ako nagkaroon ng time na huminga, tapos recuperate. May anxiety na dumarating, tina-try ko pong hanapan ng ways paano ako mag-cope. Naging maganda po ang experience kasi I’m just taking the time for myself. Then nakikita ko rin po ano ang importance ng family talaga,” pagbabahagi ni Jin.

Malaki ang naitulong sa binata nang pag-aalaga ng aso at mga halaman ngayong mayroong pandemya. “Maganda rin po kasing may inaalagaan ka kasi nadi-distract ka at ‘yung succulent ay good for beginners. Low maintenance saka once a week mo lang tutubigan,” dagdag pa niya.

Samantala, nagtatrabaho sa Amerika bilang isang Registered Nurse ang ina ni Jin. Aminado ang baguhang aktor na talagang nag-aalala siya para sa ina at sa kinakaharap nito sa araw-araw dahil sa banta ng covid-19 pande­mic. “Kasi she’s not getting any younger tapos nagtatrabaho po siya para sa amin. So ako dito naman I try no to worry her. Inaalagaan ko ang sarili ko talaga para hindi siya talaga maraming iniisip,” pagtatapos ni Jin. (Reports from JCC)

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with