Mayor Belmonte, walang kapaguran sa trabaho
Mayor Joy Belmonte
STAR/ File
Mayor Belmonte, walang kapaguran sa trabaho
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Dapat hangaan si Mayor Joy Belmonte dahil sa ipinapakita niyang sipag para matulungan ang mga bata ng Quezon City na medyo hirap sa bagong pamamaraan ng pag-aaral.

Ang daming tablets at cellphones ang ipinamigay ng Mayor’s office pero parang kulang pa rin dahil nga sa rami ng estudyante. Pero dahil nga sa ginagawan ng paraan ni Mayor Joy, talagang mas marami na ang merong tablets at phones.

Buti na lang bata at masipag pa, kaya hindi napapagod sa trabaho, pero si­yempre, dapat din nating ipag­dasal na lagi sanang healthy ang ating leader, lalo na ngayong pandemic.

Talitha, natural comedian na!

Ang dami na ring fans ni Talitha ha, ang anak nina Vic at Pauleen Sotto?

Parang lahat, cute na cute sa kanya ‘pag bigla siyang lumalabas sa Eat Bulaga lalo na sa portion ng Bawal Judgmental na kung minsan sumasayaw-sayaw pa siya, inaagaw ang microphone sa tatay Vic niya at minsan naman ay nakikisali ‘pag nagsasalita ang nanay Pauleen niya.

Cute kasi ‘yung pagiging chubby ni Talitha, bibo siya at madaling matuto.

Grabe rin ang closeness niya sa parents niya na talagang hands on sa pag-aalaga sa kanya.

‘Kalokah nga si Pauleen na tuwang-tuwa na ‘pag may nakikita na kaibigan gustong ipakarga si Tali eh ang bigat ng bata ha. Noon ngang una na sinabi ni Pauleen na kargahin ko at nabigatan ako, naku sabi ko baka ‘pag nahulog ko, ma-kill ako ni Vic Sotto, hah hah.

Ito talaga ang reyna sa Sotto household, talagang siya ang nagdadala ng sunshine sa buhay nina Vic at Pauleen.

Mayor Abby, magbabawas ng mga gamit para sa frontliners

Parang gusto kong mag-buy sa Ukay-Ukay ni Abby, ang fundraising program ni Ma­yor Abby Binay para sa Makati. Talagang brilliant thinker si Mayor Abby dahil pati ito naisip niya para sa mga taga-Makati. Oo nga naman, bakit hindi natin ibenta ang mga gamit na puwede pang gamitin ng iba na hindi na natin gusto. Imagine mo, mga personal na gamit ng isang Mayor Abby ay magiging iyo, iyon lang isipin na pag-aari ito ng isang successful na babae, parang ang taas na ng premium.

Talagang lumalabas ‘yung pagiging charitable ni Mayor Abby lalo na ‘pag ganitong merong pandemic.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with