Park Seo Joon, nasungkit din ng smart
Park Seo Joon
STAR/ File
Park Seo Joon, nasungkit din ng smart
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Wow magkakaroon ng local adaptation ang Korean movie na Keys to the Heart.

Comedy/drama ang pelikula na pinalabas sa Korea noong 2018.

At ang bida sa nasabing local adaptation, sina Joshua Garcia, Zaijin Jaranilla, and Charo Santos-Concio under Star Cinema.

Samantala, nakuha naman ng Smart Communications ang isa pang famous Korean actor - si Park Seo Joon - as their endorser. Nauna na nilang naging endorser sina Hyun Bin and Son Ye-jin ng sikat na K drama - Crash Landing On You.

Ang sad part lang talaga, malabo pa ring magkaroon ng fan meeting ang mga Korean oppa sa Pilipinas dahil na rin sa pandemya na parang aabot pa hanggang next year.

Before pandemic, sunud-sunod ang biyahe sa bansa ng mga Korean star dahil nga alam nila kung gaano ka-crazy ang mga Pinoy sa K-drama. Ginagastusan nila ang fan meeting na mas expensive pa ang tickets kesa sa mga concert ng mga sikat nating singer.

Anyway, kasama sa mga sikat na K-drama ni Park Seo Joon ang What’s Wrong With Secretary Kim, Fight For My Way, Itaewon Class, among others.

SMART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with