Galit sa âpambabastosâ kay miss Bohol ni KC, humupa na
Miss Bohol Pauline Amelinckx
STAR/ File
Galit sa ‘pambabastos’ kay miss Bohol ni KC, humupa na
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Medyo humupa na rin ang bashing kay KC Montero kaugnay sa question and answer portion sa nakaraang Miss Universe Philippines.

Hindi nagustuhan ng mga basher ang banter nila ni Miss Bohol Pauline Amelinckx na ang dating ay nabastos daw ni KC si Pauline.

Mismong si Miss Bohol ang nagtanggol kay KC dahil ang napanood lang naman daw sa TV at YouTube ay edited na dahil taped nga ang buong competition.

Noong Martes na lang ipinost ni KC sa kanyang social media account ang unedited na bahaging iyon. Ikinumpara niya ito sa kung ano ang na-air sa TV na napanood  ng lahat. Malaki ang diperensya dahil nagbibiro lang si KC na kunwari ay kinakabahan din siya nang nagkumustahan sila ni Pauline.

Kuwento ni KC nang nakatsikahan namin sa Showbiz Talk Ganern; “During the top 16 interview…ako, I try to make the girls feel welcome. I want them to relax. So, I like to say ‘Hi, how are you, kumusta, ano ang feeling mo’. Sometimes I joke around just to make them laugh.”

Iba lang nga raw ang dating nang si Miss Bohol na ang tanungin niya dahil hindi na-capture ng camera ang reaction niya, at nabawasan ang ilang bahagi na iba ang dating nang napanood na ito sa TV. “So for Miss Bohol, I asked her ‘hi, kumusta, how are you’ and she said, ‘I’m fine, how are you. So, I pretended na I was nervous, sabi ko oh oh oh di ko alam. Pero yung nervous reaction was not shown on TV.

“In-edit yun. Sa na-air sabi ko, ‘how are you? Sabi niya, ‘I’m fine and how are you.

“Tapos, sa edited, ‘no one ask me questions’. Parang medyo mukhang bastos. Pero hindi bastos, parang sarcastic…pero yung mga taga-Bohol siyempre yon ang pride nila, iyon ang contestant nila, siyempre they’re all emotional.

“Unfortunately, she did not win, parang they find na someone to get mad and unfortunately it was me,” patuloy na kuwento ni KC.

Tingin naman ni KC, naliwanagan na nang ipinagtanggol na siya mismo ni Pauline at pati organizers.

Hindi naman itinatanggi ni KC na naapektuhan siya ng matinding bashing na inabot niya.

Nagpasalamat  naman siya sa organizers ng Miss Universe Philippines dahil siya ang kinuhang host, dahil naalala raw niya ang hu-ling hosting niya sa isang national beauty competition ay noong taong 2000  sa Binibining Pilipinas na medyo palpak pa.

Ngayon ay kasama si KC sa noontime show na Lunch Out Loud at medyo nanibago raw siya sa daily hosting noong una lalo na’t ang gagaling daw ng mga kasama niya rito. Mabuti at napakabait naman daw sa kanya ng mga co-hosts niya gaya nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at marami pa, kaya naging kampante na raw siya ngayon.

Rated Korina, nagbiyahe para sa Rated...

Maganda ang feedback sa bagong programa ng Brightlight Productions, ang Rated Korina at Oh My Dad na nagsimula na sa TV5 noong nakaraang Sabado, October 24.

Interesting ang mga topic na tinalakay sa programa ni Korina Sanchez, na talagang sinadya pa niya ang liblib na lugar sa Cebu para sa istoryang ginawa niya.

Maayos din ang pagkalatag ng pagka-comedy ng Oh My Dad at malaki talaga ang nagagawa ng magaling na pag-arte ng mga artista kaya interesting ang naturang sitcom.

Sayang lang at hindi pa namin nakuha ang rating ng AGB-NUTAM sa mga programa ng TV 5.

Ang isa pang nagsimula noong nakaraang Sabado ay ang Masked Singer ni Billy Crawford.

Okay ang production at nakakatuwa naman panoorin, pero hindi lang ako sure kung nag-rate siya.

Tinapatan pa nito ang The Clash na consistent talagang malakas na hinu-host nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz -- noong nakaraang Sabado ay naka-17.6 percent ito at noong Linggo ay 19.5 percent.

Bukod sa Masked Singer, nandiyan pa ang I Can See Your Voice ng A2Z.

Tinutukan din ng karamihan ang airing ng Miss Universe Philippines noong nakaraang Linggo dahil naka-8 percent pa ito kahit ang dami na ring nanood sa YouTube.

Tumaas din ang All-Out Sundays noong nakaraang Linggo na kung saan naka-5.8 percent ito.

KC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with