Dahil sa challenge ni Angel, red lipstick nagkakaubusan
Angel
STAR/ File
Dahil sa challenge ni Angel, red lipstick nagkakaubusan
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Gumagamit na ba kayo ngayon ng pulang-pulang lipstick? Kahapon, napakarami naming nakasalubong na mga babaeng kakatuwa dahil pulang-pula ang kanilang lipstick. Hindi naman dating ganoon eh.

Nabiro pa nga namin ang isang sales assistant sa cosmetic section ng isang mall, at sinabi niya sa aming napansin din niya na marami ang bumili ng pulang-pulang lipstick kahit na may suggested silang ibang shade of colors na mas babagay sa bumibili.

Noong bandang hapon na raw noong isang araw, nalaman nila mula rin sa mga customer na huma-hanap sila ng pulang-pulang lipstick dahil sa “red tagging.”

Noong una hindi pa rin namin maintindihan hanggang sa nabasa namin ang isang social media post ni Angel Locsin, at iba pang mga aktres na humihikayat sa mga kababaihang gumamit ng pulang lipstick bilang protesta sa tinatawag nilang “red tagging.” Si Angel kasi, kasama rin ng mga star at beauty queen na sina Liza Soberano at Catriona Gray ay pinangalanan ni Lt. Gen. Antonio Parlade, na kabilang sa supporters ng Gabriela na sinasabi niyang isang samahang kumikiling sa kaliwa. Nag-warning din ang heneral na baka magaya sila sa mga na-recruit at napahamak sa kalaunan.

Sa kaso ni Angel, pinangalanan ng heneral ang kapatid niyang si Ella at ang tiyuhing si Neri Colmenares na kaugnay na raw ng mga “maka-kaliwa,” na labis namang tinutulan ni Angel dahil wala raw ebidensiya si Parlade laban sa mga pinagbi­bintangan niya, at naglalagay iyon sa panganib hindi lamang sa kanya kundi sa buong pamilya nila.

Kulang na nga lang isumbat ni Angel na tumutulong nga siya sa mga bagay na hindi na magawa ng gobyerno eh, tapos pagbibintangan pa silang terorista. Iyon ang dahilan kung bakit nasimulan ang “red lipstick challenge” na mukhang kinakagat naman ng masa, kaya ang daming naka-red lipstick ngayon.

Kasalanan ba ang magparetoke?

Kasalanan nga ba ang magparetoke ng mukha o katawan? Kasi kung masama iyon, bakit binigyan ng lisensiya ang mga plastic surgeon at mga cosmetic dermatologists? Marami naman ang gumagawa nang ganyan, basta ba may pera sila eh. Pero sa showbiz, nagiging issue iyan.

Kamakailan, naging issue iyan kay Heart Evangelista, na aywan naman kung bakit ang isang babaeng likas na maganda na ay pagbibinta-ngan pa nilang nagparetoke. Ganoon din ang bintang ng iba sa ngayon ay Miss Philippines Universe na si Rabiya Mateo, na retokada raw.

Pati ang BL star na si Teejay Marquez, niretoke daw ang ilong, ang lips, and abs at maging ang dibdib. Kung niretoke na ngang lahat iyon, ano pa ang natira sa kanyang original?

Sabihin nga ninyo sa amin kung masama ba talaga ang magparetoke? Bakit maraming mga artista na sa tuwing lumalabas sa TV ay nagpapa­salamat sa mga doctor na kilalang nagreretoke?

Batang male star, suma-sideline sa bading

Ang tingin namin sa isang male star ay masyadong bata pa, pero nagulat kami dahil sa tsismis na may nag-aalaga rin daw doon na isang gay, may condo unit malapit sa studios ng ABS-CBN diyan sa Esguerra Street. Doon daw madalas na nakikitang nagpupunta ang male star sa isang unit na ang kilalang may-ari ay isang rich gay.

Bakit ba halos lahat sila mukhang ang negosyo ngayon kung hindi “online,” ay “sideline” naman sa mga bading. Wala na bang ibang makukuhang negosyo ang mga male star na iyan sa panahong ito?

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with