^

PSN Showbiz

Assunta nagpapalakas, ilang araw nagging bedridden

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Assunta nagpapalakas, ilang araw nagging bedridden
Assunta
STAR/ File

Nakauwi na sa kanilang penthouse condominium unit si Assunta de Rossi at si Baby Fiore noong Tuesday. Siyempre, tuwang-tuwa si Jules Ledesma na nasa bahay na ang kanyang mag-ina.

Sabi sa akin ni Assunta, panay ang pahinga muna niya ngayon. May mga nagre-request na nga ng online interviews sa aktres, pero hindi pa niya mapagbigyan.

“Pahinga na muna ako. Medyo hirap pa akong mag-adjust kasi bedridden ako ng ilang araw. Noong Monday lang ako natanggalan ng swero. Papalakas muna ako. Kapag ok na, puwede na ako sa mga online interview,” sabi ni Assunta.

Siyempre, tutok na tutok siya kay Baby Fiore, kaya hindi rin iniisip sa ngayon ni Assunta ang tungkol sa pagbabalik-showbiz niya.

Actually, bago siya nagbuntis kay Baby Fiore, mahigit isang taon na ring hindi aktibo sa showbiz si Assunta.

Osang, handa nang makipag-ayos sa mga nakaaway

Isa si Rosanna Roces sa mga artistang um-attend sa face to face presscon kahapon ng Anak ng Macho Dancer, ang pelikulang ipinoprodyus ni Joed Serrano. Nanay ng baguhang si Sean de Guzman, at misis ni Allan Paule (ang nagbida noon sa Macho Dancer na idinerehe ng yumaong si Direk Lino Brocka) ang role ni Rosanna sa nasabing pelikula.

Maganda raw ang role niya, kaya kahit three shooting days lang siya sa project na ‘yon ay tinanggap niya. “Saka gusto kong bumawi kay Direk Joel (Lamangan, ang direktor ng Anak ng Macho Dancer),” sabi ni Rosanna.

Ginawa kasi nila ang pelikulang Hustisya noon with Nora Aunor para sa Cinemalaya at feeling ni Osang (palayaw ng aktres), na-stress sa kanya si Direk Joel. “Noon kasi, kapag tinatawagan ako ng line-producer naming si Dennis Evangelista, hindi ako sumasagot, kaya minsan akala nila hindi ako sisipot sa shooting,” sabi niya pa.

Aminado si Osang na may mga tao sa showbiz na nakagalit o nakatampuhan niya ang gusto niyang makaayos in the future.

‘Yung tungkol naman sa pagiging unprofessional niya noon, hindi na raw siya ganoon ngayon.

Ang asawa kasi niyang si Blessy Arias (nagkaroon sila ng same-sex marriage) ang bale tumatayong manager na rin ngayon ng dating sexy actress. “So, kung mali-late ako o may hindi ako sisiputing project, mag-aaway lang kami (ni Blessy). Kesa mag-away kami, hindi na lang ako nagiging pasaway,” sabi ni Osang.

Pero, alam mo, Ateng Salve, ang sarap din kung darating ang araw na makakasundo na ni Osang ‘yung mga nakaalitan niya sa showbiz, ‘noh?! Kasi ang anak niyang si Onyok, nakabati na rin ni Osang.

Matagal ding nagkaroon ng gusot sa pagitan ng mag-ina, pero ngayon ay ok na ok na sila. Wala raw naging sumbatan pa sa pagbabati nilang mag-ina.

Ngayon nga raw, hindi niya natitiis ang anak. Si Onyok din daw ay may mga pagkakataon na pinadadalhan siya ng pagkain.

Well, so touching!

vuukle comment

ASSUNTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with