Kontrobersyal na babae, maraming nautang na pang-droga
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Nagsalita na ang mga impormanteng matagal nang nakakakilala sa isang kontrobersiyal na babaeng hindi naman artista pero pinagpistahan ng buong bayan dahil sa kanyang mga re­belasyon laban sa kanyang dating karelasyon.

Isa-isa nang nagsasalita ang mga ito, sa kanilang palagay ay naghuhugas-kamay ang babae para lang idiin ang kanyang karelasyon, pero puro imbento lang naman pala ang mga kuwento niya.

Kuwento ng isang source na may malalim na alam tungkol sa kuwento, “Baligtad ang mga kuwento niya, malayo sa katotohanan. Madalas siyang sumugod sa pinagtatrabahuhan ng karelasyon niya!

“Nagwawala siya du’n, gumagawa ng eksena! Pilit niyang pinaglalabas ng pera ang karelasyon niya dahil nandu’n na raw ang source ng droga!

“Palengkera ang babaeng ‘yun! Hindi siya nahihiya sa mga nakapaligid sa kanila! Sigaw siya nang sigaw, minumura ang partner niya dahil mapapahiya raw siya sa source niya!” kuwento ng aming source.

Nu’ng minsan naman ay tinext ng babae ang manager ng pinagtatrabahuhang bar ng kanyang partner. Nangungutang siya nang beinte mil.

Patuloy ng aming source, “After a few minutes, tinawagan ng manager ang male personality, tinanong siya kung totoo bang nangangailangan siya nang twenty thousand?

“Natural, nagulantang ang male personality, wala siyang alam tungkol du’n, hanggang sa lumabas ang totoo na ginamit pala ng babae ang cellphone niya sa pangungutang sa manager!

“Pinag-awayan nila ‘yun, pero deadma lang ang babae! Napakalakas kasi niyang umorder ng Sharon Stone sa source nila ng partner niya!” dagdag na impormasyon pa ng aming impormante.

At basang-basa na ang pangalan ng babae sa mga kasamahan sa trabaho ng kanyang partner. Kalat-kalat ang kanyang utang sa mga ito. Ang male personality siyempre ang tagabayad ng mga utang niya.

“Napakagulo ng buhay ng babaeng ‘yun! Minsan, sinasaktan pa niya physically ang partner niya kapag walang mailabas na datung para sa bisyo niya!

“Mabaho ang pangalan niya sa circle of friends ng partner niya, siya ang amoy takla, hindi ang sinisiraan niyang male personality!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Partner ni Tekla natakot sa dna test, Raffy binawi lahat ng pangakong tulong

Sa unang pagkakataon ay nasaksihan namin ang pabawi ng matapang na broadcaster na si Raffy Tulfo sa tulong na ipinangako niya sa isang humingi ng tulong sa kanyang programang Wanted Sa Radyo.

Mapuso ang broadcaster, sa kanyang sariling bulsa nanggagaling ang ayudang ibinibigay niya sa mga kababayan nating nagsusumbong sa kanya, pero may hangganan din ang lahat.

Nu’ng Martes nang hapon ay binitiwan na niya ang pagtulong sa nakahiwalay na live-in partner ni Super Tekla. Lahat ng suportang sinabi niya para kay Michelle Bana-ag ay lantaran niyang binawi.

Sabi ng broadcaster, “Umiyak ka man ng dugo ngayon, wala ka nang maaasahan sa akin. Alam mong nakahanda akong tumulong sa inyong mag-ina, pati sa mga pamangkin mong magugutom, pero ikaw rin ang gumawa ng dahilan para bumitiw na ako sa pagtulong sa iyo.”

Ang dahilan ay ang pagtatapang-tapangan ni Michelle nu’ng Lunes nang hapon. Kahit daw nagkaayos na sila ni Super Tekla ay gusto pa rin nitong ituloy ang pagsailalim sa proseso ng lie detector at DNA drug test sa pamamagitan ng hair follicle specimen na sa ibang bansa pa ipadadala ng Wanted Sa Radyo para eksaminin.

Pero kinagabihan ay bumitiw na si Michelle sa hamon, ayaw raw ng kanyang tiyahin na dumaan ito sa hair follicle process, dahil mabibinat ito bilang kapapanganak lang apat na buwan na ang nakararaan.

Du’n namin nakita ang galit ng news anchor, ipinaliwanag niya kay Michelle na hindi naman bubunutin mula sa kanyang anit ang 70-100 strands ng buhok na gagamitin, gugupitin lang ‘yun.

Isa lang ang malinaw, sabi ni Raffy Tulfo, biglang natakot si Michelle sa DNA drug test dahil lalabas ang katotohanan na gumagamit pa rin ito ng droga. Niloko ni Michelle hindi lang ang kanyang programa kundi pati ang publikong sumusubaybay sa istorya nila ni Super Tekla.

Ang pagpapagawa ng pustiso ni Michelle, ang pagbabayad ng renta sa kanilang bahay sa loob nang apat na buwan, ang mga grocery items na ipadadala niya sa pamilya para hindi magutom—lahat ‘yun ay binawi na ni Raffy Tulfo.

Masamang-masama ang kanyang loob, katotohanan lang ang gusto niyang maging puhunan ng babae sa paglapit sa kanyang programa, pero nagsinungaling ito.

Kung bukas ang palad ni Raffy Tulfo sa pagtulong ay marunong din siyang kumilatis kung totoo ba o hindi ang deklarasyon ng mga kababayan nating dumudulog sa kanyang mga programa.

SUPER TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with