Coco maraming nawalang raket?!
Coco at Yassi
STAR/ File
Coco maraming nawalang raket?!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

Wala nang kawala sina Cardo at Alyana (Coco Martin at Yassi Pressman) mula sa pangmamanipula ni Lito (Richard Gutierrez) matapos nitong makuha ang tiwala at utang na loob ng buong Task Force Aguila sa lalong tumitinding mga kaganapan sa Kapamil­ya teleser­yeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Mabubusog nga sa kabaitan sina Cardo matapos ang matagumpay na pagpapaniwala ni Lito sa kanila na hinahanap sila ng mga pulis sa rancho ng negosyante.

Dahil sa kasinungalingang ito, tuluyan nang makukumbinsi si Cardo at maging si Alyana na kontrolado ni Lito ang mga pulis at kakampi nga nila ito sa kabila ng pagpapanggap nito. Naitatak na rin ni Lito sa isipan ng mag-asawa na sa oras na umalis sila sa rancho, hindi na sila maproprotektahan ni Lito at lalong malalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Bukod naman sa panganib na dala ni Lito, malapit na ring isagawa ni Lily (Lorna Tolentino) ang mga plano niya para makuha ang kapangyarihan at kayamanan sa bansa. Para simulan ang mga plano sa susunod na halalan, ipapapatay niya si Presidente Oscar (Rowell Santiago) at papalabasing si Cardo ang salarin.

Tuluyan na kayang mapabagsak nina Lito at Lily si Cardo?

Sinasabi ngang may papasok na bagong partner si Cardo sa Ang Probinsyano na siya ang makakatuluyan nito sa ending.

Sabik na ang fans na malaman kung si Julia Montes nga ba ito bilang matagal na raw itong hindi napapanood sa TV o digital man na fierce ang hitsura sa kanyang bagong pictorial.

Si Coco ay wala pa rin namang pa­ramdam sa social media, matapos nga niyang i-deactivate ang account niya sa kainitan ng ABS-CBN shutdown.

Pero paano na kaya ang mga endorsement ni Coco na kailangan ng exposure?

In all fairness, malaki rin ang raket ng mga artista sa pagpo-post ng mga product sa kanilang social media accounts ha.

May kilala akong isang hindi naman artista pero showbiz ang status na diumano’y P350,000 ang bayad per post sa kanyang IG and Facebook pages.

Kaya nakakatakang hindi active si Coco sa social media.

Tiyak na marami siyang nawalang raket dahil dun ha lalo na nga ngayong walang free TV ang ABS-CBN kung saan siya ang dating hari though active sila sa digital at ngayon ay nasa A2Z sila.

FPJ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with