Jasmine ayaw tantanan ng bashers ng dyowang hindi âkilalaâ si Vice President Leni
Jeff Ortega at Jasmine Curtis
STAR/ File
Jasmine ayaw tantanan ng bashers ng dyowang hindi ‘kilala’ si Vice President Leni
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

Pinahihiwalay na ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis sa boyfriend niyang si Tourism Regional Director Jeff Ortega matapos matapos mag-viral ang isang video kung saan ini-introduce niya si Senator Bongbong Marcos as vice president of the Philippines.

Actually, matagal na ang nasabing video ni Mr. Ortega, pero kahapon lang napansin.

Dahil siguro nga, dahil nababanggit ang pangalan ni Jasmine dahil busy ito ngayon sa promo ng Descendants of the Sun kung saan siya ay gumaganap na Moira.

Nagkataon ring naka-quarantine si VP Leni Robredo kaya napa-react ang followers nito na ngayon pa lang naka-schedule i-swab matapos magkaroon ng exposure sa may COVID-19.

“#JeffOrtegaResign” ang hashtag na nag-tren­ding dahil doon.

Wala pang reaction si Jasmine sa kanyang social media pages.

Matagal na ring hindi siya nagpo-post na magkasama sila ng boyfriend.

Parang March pa yata nang i-post niya ang boyfriend.

Pero sa kanya nagagalit ang ibang netizens na matalino naman daw ang BF nito na galing sa family ng mga negosyante pero hindi alam kung sino ang VP ng bansa.

Lately ay walang malaking story sa showbiz at mabilis nag-die down ang red tagging issue kina Angel Locsin, Catriona Gray and Liza Soberano.

 

JEFF ORTEGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with