U-turn ni Kim handa nang manakot
Kim
STAR/ File
U-turn ni Kim handa nang manakot
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

Mauna nang mag-bonding kasama ang pamilya o barkada ngayong Halloween sa advance screening ng Star Cinema horror movie na U-Turn na pinagbibidahan ng Millennial Horror Queen na si Kim Chiu, ngayong Oktubre 29 (Huwebes) sa KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online.

Hango sa 2016 Indian movie na kaparehas ang titulo, iikot ang kwento ng U-Turn kay Donna (Kim), isang reporter na umaasang magkaroon ng break. Isang araw, mapupunta sa kanya ang isang kasong aakalin niya ay suicide. Ngunit matapos ang ilang araw, isang kasong katulad nito ang mangyayari.

Sa pag-asang ito ang magbibigay sa kanya ng break, sinundan niya ang mga kaso. Pero mukhang mabilis din siyang kakarmahin dahil mapapabilang ang kanyang kapatid sa mga ‘alleged suicide’ cases.

Ngayon mas titindi ang kagustuhan niyang malaman ang misteryo ng mga kaso kasama ang boyfriend niyang si Robin (Tony Labrusca) at pulis na si Kevin (JM de Guzman).

Mapapanood ng viewers ang U-Turn advance scree­ning sa halagang P150 sa KTX.PH ngayong Oktubre 29 (Huwebes) at may tsansa pa silang makita ang lead stars ng movie.

Kung hindi nila maabutan ang advance screening, maari silang bumili ng ticket para mapanood ito simula Oktubre 30 (Biyernes) sa parehas na halaga. Mapapanood nila ito sa loob ng 48 hours.

Pwede ring isama ang buong barkada sa pag-enjoy ng U-Turn  sa pagbili ng Halloween Barkada Bundle. Kapag bumili ng tatlong tickets, makakakuha ng isa pang ticket na libre. Pumunta lamang sa KTX.PH at i-click ang U-Turn  group buy link.

Mapapanood rin ito sa SKYcable Pay Per View, Cignal Pay Per View, at sa iWant TFC simula Oktubre 30.

Ito na talaga ang new normal na pano­nood ng pelikula.

Kung wala sanang pandemic, Hallo­ween presentation ang pelikung ito ni Kim na ang mensahe ay ‘umiikot ang karma.’

TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with