Super Tekla, laging naaalala sa tilamsik
Super Tekla
STAR/ File
Super Tekla, laging naaalala sa tilamsik
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

Nag-post si Donita Nose sa kanyang Facebook account noong Lunes na okay na raw sina Super Tekla at ng live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag, at nagpasalamat siya kay Raffy Tulfo na nagkaayos ang dalawa.

Sabi niya sa kanyang Facebook account, “Thank you po sir Raffy Tulfo…love u sir (heart emoji). Tapos na po ang lahat nagkapatawaran na po.

“Kaya pakiusap tapusin na din natin ang pag-bash sa pamilya ni Michelle. Tama na po. Spread na lang ang oe. (heart and prayer emoji).

“Diyos nga nagpatawad tayo Ikaw pa kaya. (heart emoji).”

Hindi ko lang naabutan sa radio program ni Sir Raffy Tulfo ang buong panayam niya kay Michelle at ng ilang resource persons, pero narinig lang naming ipapa-drug test nila si Michelle.

Pero iyon naman ang hangad ng kilalang broadcaster na magkaayos na ang dalawa at mag-usap na lang sila nang maayos.

Kung nagkaayos nga sina Tekla at Michelle, tila natuluyan na rin sila sa paghihiwalay dahil merong inilabas sa YouTube channel nina Donita Nose at Tekla ang paglilinis nila sa condo unit ng huli.

Ipinakita nila roon ang napakaruming condo unit, nagkalat ang mga gamit, panis na ang mga pagkain, naghalo ang mga marurumi at malinis na damit, tinangay daw nina Michelle ang mga de lata, at sira-sira na ang mga gamit, at ang ilan ay nawala na.

Sabi ni Tekla, fully-furnished daw ang condo unit na iyon na tinirhan nila, pero wala na ang mga gamit at ibinenta na raw ni Michelle ang ilang mga gamit doon, kaya babayaran pa raw iyon ni Tekla.

Sobrang devastated daw siya noong mga nakaraang araw dahil sa gulo nilang dalawa, kaya hindi na raw niya nagawang ayusin ang naturang unit.

“Hindi nga ako makababa, para bumili ng pagkain kasi nakikita ako ng mga tao iba na ang tingin sa akin, ‘yung parang titilamsikan ko sila,” nagawa pang magbiro ni Tekla.

Sabi niya, kailangan na raw niyang mag-move on, at bahagi ng pag-move on niyang ito ay linisin nang mabuti ang tinitirhan niyang condo, itapon na ang mga sira-sirang gamit, at mag-ipon na naman para mabayaran ang mga ibinentang gamit sa bahay.

Sa huling check ko, naka-dalawang parts ang video na iyon sa kanilang YouTube, at isang araw pa lang yata itong nai-upload, mahigit limang milyong views na ito.

Sa tingin naman namin, sa tulong ng mga malalapit na kaibigan, lalo na si Donita, at ng GMA 7 mukhang makakabalik naman si Super Tekla.

Mystica at Keanna,  nagtapatan sa Prosecution

Parang may sitcom na pinanood ang mga tao sa Prosecutor’s Office sa Imus, Cavite nang magkita roon sina Keanna Reeves at Mystica noong nakaraang linggo.

Nangyari ito nang magharap sina Mystica at Arnelli Ignacio dahil sa isinampang kaso ng huli sa singer.

Nagkaharap silang dalawa sa Prosecutor at dumating si Keanna para mag-witness sana para kay Arnell.

Magkaaway din kasi sina Mystica at Keanna. Pero sa halip na magkaharap-harap sila dahil sa kaso, nagtalo lang daw roon sina Mystica at Keanna kung sino ang mas sexy at mas magaling sa kanilang dalawa.

Doon na rin ay nagkaayos sina Arnell at Mystica, dahil tumingin lang daw si Mystica at tumango na sabi niya na parang Nora Aunor acting daw ang pagkatingin kay Arnell.

Nagkaintindihan na raw sila at iyon naman daw ang gusto ng nasa Prosecutor’s Office na magkaayos na lang sila.

Aktor na sikat at guwapo masaya ang lovelife kahit walang nali-link na babae

May ibinulong na latest tsismis ang isang kaibigan tungkol sa guwapo at kilalang aktor.

Bongga na naman daw ang lovelife nito kaya blooming siya lately.

Guwapo, matangkad at model na model daw ang da­ting ng latest dyowa-dyowaan nitong guwapong aktor.

Matagal nang pinagdududahan ang pagkalalaki niya, pero tahimik lang siya talaga pero walang napapabalitang aktres na nali-link sa kanya ngayon.

Kasi nga happy na raw at tahimik ang lovelife niya.

‘Yun na!

SUPER TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with