Babaeng maldita, ‘di kayang ilaglag ng dyowa
May balls ang isang guwapong male personality ayon sakanyang mga kaibigan at katrabaho. Sa bata pa niyang edad ay marunong na siyang manindigan at makipaglaban.
?Sa panahon ngayon ng social media na lahat na lang ng mga sinasabi at ginagawa ng mga artista ay pinanghihimasukan ng kahit sino ay alam ng male personality ang kanyang gagawin at paninindigan.
?Kuwento ng aming source, “Wala nang ligtas ngayon sa social media. Pati ang pakikipagrelasyon ng mga personalities, e, pinakikialaman na. napakaraming trolls ngayon!
?“Wala nang privacy ang mga artista ngayon! Pinapasok na ‘yun ng mga bashers at trolls! Wala naman silang pakialam, pero nagpipista sila, kaya may mga relasyong naaapektuhan!” una nitong komento.
?Isa sa mga personalidad na pilit na pinanghihimasukan ng mga bashers ay ang lovelife ng isang guwapong male personality. Kinokontra siya ng mga bashers at trolls sapinili niyang makarelasyon.
?Kuwento uli ng aming impormante, “Naku, talagang bina-bash ang girlfriend niya, hindi raw sila bagay, puro pintas ang inaabot ng girl sa mga pakialamero.
?“Kesyo may kakaibang ugali raw ang girl, maldita, suplada, very selfish at matindi ang sumpong! Hindi raw sila bagay dahil mabait ang male personality.
?“Habang maaga pa raw, e, isplitan na niya ang girl dahil hihilahin lang siya pababa, wala raw magandang magagawa sa buhay at career niya ang young actress, kaya magising na raw sana siya nang maaga sa bangungot na kinaroroonan niya,” komento uli ng aming source.
?Pero hindi lang pala ang mga bashers ang hindi boto sayoung actress, kahit pala ang mismong pamilya ng male personality ay hindi rin gusto ang kanyang girlfriend, may minamanok pala silang iba para sa kanilang anak.
?“Pero ipinaglalaban siya ng guy, may balls ang lalaki, hindi siya nagpapadala sa mga outside forces. Puso niya ang sinusunod niya, hindi ang sinasabi ng kahit sino.
?“Kaya naman secure na secure ang girl sa kanyang boyfriend, alam ng girl na anuman ang mangyari, e, may kakampi siya sa laban, ang mismong boyfriend niya na todo ang pakikipaglaban para sa kanya!
?“Magbaybay nga tayo! Babibibobu. Kakekikoku. Dadedidodu. Rareriroru!” pagtatapos ng aming impormante.
?Ubos!
Problema nina Tekla at Michelle, tinuldukan na ni Raffy
Nu’ng Martes nang hapon ay tinapos na ng palabang broadcaster na si Raffy Tulfo ang malateleseryeng kuwentong kontrobersiya tungkol kay Super Tekla at sa kanyang karelasyong si Michelle Bana-ag.
Sa babae mismo nanggaling ang pahayag na meron na raw silang kasunduan ng komedyante, nagkita na raw sila ng manager ni Super Tekla na si Ms. Rose Conde, may pinirmahan na raw itong kasunduan sa pagitan nila ng amang kanyang sanggol na si Baby Angelo.
Nilinaw ni Kuya Raffy ang sinabi ni Michelle, anong kasunduan ang napagkatapusan nila, magsusustento na lang ba si Super Tekla sa kanilang anak?
?“’Yung manager po niya ang nakausap ko. Sa kotse lang po kami nag-usap. May pinapirmahan po siyang kasunduan sa akin. Hindi na raw po tutulungan ni Teklaang pamilya ko, susustentuhan na lang po niya ang anak namin,” madiing sagot ng babae.
“Bakit ang manager niya ang nagpapirma sa iyo ng document? Abogado dapat ang gumawa nu’n, magkano naman ang nakalagay na sustento sa pinirmahan mo?” dagdag pang tanong ni Kuya Raffy.
Wala raw nakasaad na halaga ng sustento ang pinirmahan nito, ayon kay Michelle, hindi na rin daw ito nagtanong para patunayan sa kanyang mga bashers na hindi pera lang ang habol nito sa komedyante.
?Pero kahit payag na si Michelle sa kasunduan ay ipinatutuloy pa rin nito sa Wanted Sa Radyo ang naunang plano ng lie detector test at drug test para patunayang malinis na malinis na ito ngayon sa usapin ng droga.
Parang hindi lang parehas para kay Michelle ang naging aksiyon ng manager ni Super Tekla, damage control ang tawag sa ganu’n, pabor sa kanyang alaga siyempre ang kasunduang pinapirmahan nito kay Michelle Bana-ag.
Sa pagtatapos ng teleseryeng ito ng tunay na buhay ay si Super Tekla ang nasira nang todo. Siya kasi ang kilala, siya ang may imaheng iniingatan, siya ang talagang minarkahan ng publiko totoo man o mga imbento lang ang inilabas na rebelasyon ng ina ng kanyang anak.
- Latest