Jake and Charice docu nakasungkit na naman ng award sa France
Jake Zyrus
Jake and Charice docu nakasungkit na naman ng award sa France
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

BB Gandanghari hinihintay kung magkaka-docu

MANILA, Philippines — Muli na namang kinilala ang dokumentaryong Jake and Cha­rice sa pagkapanalo nito ng LGBTQ+ representation award sa non-scripted category ng MIPCOM Diversify TV Excellence Awards 2020.  “Thank you MIPCOM Diversify TV Excellence Awards for recognizing my story. Thank you to my TEAM for the support system, ABS-CBN, and most of all, NHK (Hiroko, Akiko, Ma’am Teresita & Yusaku) for believing in me and my story,” pasasalamat ni Jake sa Instagram.

Bongga dahil ang MIPCOM ay isang taunang television trade show sa Cannes, France na ipinakikilala ang sarili nito bilang pinakamalaking entertainment content market sa buong mundo. Ang mga award na ibinibigay nito sa Diversify TV Excellence Awards ay para maipakilala at ma-promote ang anumang anyo ng diversity at inclusion sa pandaigdigang industriya ng telebisyon.

Ang Jake and Charice —na mula sa produksyon ng Documentary Japan Inc. kasama ang ABS-CBN—ay umiikot sa pinagdaanang pagbabago ng singer na si Charice hanggang sa pagiging transman niya na si Jake Zyrus ngayon. Dinala rin nito ang mga manonood sa proseso ng paggawa niya ng pinakabagong album niya na Evolution mula sa Star Music.

Kamakailan lang, nanalo rin ang docu ng national award para sa Japan bilang Best Documentary Programme sa 2020 Asian Academy Creative Awards.

Nakatanggap din ito ng nominasyon sa Best Arts Programming category ng prestihiyosong 2020 International Emmy Awards na magdaraos ng seremonya sa New York City sa Nobyembre.

Napanalunan din nito ang Gold Camera award sa social issues category ng 2020 US International Film and Video Festival. 

Alamin pa ang matapang na istorya ni Jake sa pakikinig ng Evolution album niya at ng single niyang Miss You in the Moonlight sa iba’t ibang digital music streaming platforms.

Uy baka naman si Jake peg ni BB Gandanghari? ‘Yung magkaroon siya ng documentary mula sa kanyang pagiging isang Rustom Padilla hanggang maging isang dilag na matapos magpaopera.

Ang tanong lang, may producer kayang gagawa nito sa kanya?

Kasi naman inunahan agad niya ng mga ‘nega’ sa pagkukuwento sa diuamano’y nakaraan nila ng isang aktor na wala naman siyang maipakitang ebidensiya. Kabog siya ni Jake.

 

 

JAKE ZYRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with