Miss U Ph, napuno ng kontrobersiya
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

‘Katawa na magkaroon ng intriga sa isang beauty contest. Katatapos lang ng Miss Universe Phi­lippines na ang nanalo ay ang Indian-Filipina na si Rabiya Mateo, heto na at meron nang complaints mula kay Michele Gumabao at sa Ms. Taguig. First time pa naman ang paghawak ni Shamcey Supsup sa pageant, pero heto nga napuno agad ng controversy. Bongga ‘pag ang mga candidate ang mga nagrereklamo dahil pinag-aawayan ang korona. Bongga ang line ni Shamcey na ‘lost in dignity.’

‘Kaloka na ang issue ay ‘yung pagdadala ng sariling mga glam team para ayusan ang mga kandidata na dapat in their natural state ay maganda na, with or without makeup. Pero ‘pag may nanalo na, dapat wala nang reklamo pa, sa lahat naman merong winner o loser, tanggapin na lang ang resulta. Hindi kasi maganda na ang magagandang babae ay nag-aaway sa korona, dahil you set your own standard of beauty, maganda sa mata ng judges kaya ano pa ang magagawa mo?

In fairness, aside from appearing very smart, beautiful naman talaga si Rabiya kaya siya ang napiling winner. Huwag na sirain ang mood, be a graceful loser, uwi na at may nanalo na.

Julie Anne, lumitaw ang kaseksihan

Nanood ako kahapon ng mga Sunday noontime show. At napanood ko na ang laki ng iginanda ngayon ni Julie Anne San Jose ha. Bagay sa kanya ‘yung pagpayat niya at mga suot na damit. Ang galing palang sumayaw ni Sarah Geronimo na ang lambot ng katawan at magaling gumiling. At madaling natuto si Jake Ejercito sa pagiging host, adjusted na adjusted na siya at hindi na gaanong tumitingin sa teleprompter.

Ang galing ng mga sunday noontime show na punung-puno at siksik sa laman. Sayang nga at sabay-sabay sila kaya mahirap na sabay-sabay mo ring mapanood.

Masasabi ko na mukhang dito sila siksikan ng labanan, dahil talagang halos lahat ng performers dito inilalagay. Well, parang ang labanan naman ay matira ang matibay, kaya i-enjoy natin habang hayan at naglalaban silang tatlo ‘pag sunday. Enjoy na lang sa paglilipat ng channel.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with