Dating hitsura ni Rabiya bago naging Miss U Ph, pinagkalat!
Rabiya Mateo
Dating hitsura ni Rabiya bago naging Miss U Ph, pinagkalat!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

Isa sa naging paboritong paksa sa social media pagkatapos ng Miss Universe-Philippines ay ang bagong title holder na si Rabiya Mateo ng Iloilo.

Marami ang boto sa pagka­panalo niya, pero pinag-usapan din ang reaksyon ng kapwa kandidata na si Sandra Lemonon at ng 2nd runner-up na si Michele Gumabao.

Kaagad pinik-ap ang mga post ni Lemo­non sa kanyang IG story na tila may pahaging siyang may mga kuwestiyonableng nagaganap sa naturang patimpalak.

Na dinag­dagan pa niya ng : “Defensive behavior is a barrier for communication. Only people without a clear conscience should be afraid of the truth. Sweetdreams.”

Ang reaction ng iba, bitter lemon ba itong si Sandra?

Nagpalabas naman ng paliwanag si Michele kung bakit hindi na siya sumali sa presscon ng bagong Miss Universe Philippines at ng runners-up.

Sinabi niyang tanggap niya ang hindi pagkasungkit ng korona. Ang nahirapan lang daw siyang i-handle ay kung paano sagutin ang mga tanong sa kanya bakit hindi siya ang nagwagi. Kasunod nu’n ay ang mensahe naman ng kapatid niyang si Marco Gumabao na ipinost sa kanyang IG story. “I’m proud of you! Of course, I don’t agree with the decision, but now is not the time to be bitter about it. I know this is God’s plan. We’re just getting started.”

Pati ang half-brother niyang si Paolo Gumabao ay ipinagmamalaki rin ang performance ni Michele sa naturang kompetisyon.

Samantala, madamdamin naman ang sagot ni Rabiya sa interview sa kanya ni MJ Marfori na ginawa naman daw niya ang lahat sa laban niya para makuha ang title. “I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud.”

Ang galing pang magkalkal ng ilang netizens. Lumutang ang yearbook photo niya na kuha nung High School yata siya na ang layo sa itsura niya ngayon. At  ang mala­king kaibahan na sa itsura niya ay ang kanyang ilong.

Hindi lang natin alam kung pinabago o baka dala lang ng makeup. Pero ang laki ng diperensya ng itsura niya sa kuha ‘before’  and ‘after.’

Kung meron mang pinabago sa mukha ni Rabiya, hindi na bago yan sa ibang beauty title holder, dahil ginagawa ring magparetoke ng mga beauty queen sa ibang bansa.

Ang mahalaga ang laki na nang iginanda niya ngayon na puwedeng ilaban sa Miss Universe.

Mara Lopez may payo sa mga gustong makipag-date online

Kahit nasa London ang indie actress na si Mara Lopez, sinisikap pa rin niyang mai-promote ang pelikula niyang kasama sa Premium selection ng Pista ng Pelikulang Pilipino, ang The Highest Peak na dinirek ni Arbi Barbarona. 

Kasali dapat ito sa Sinag Maynila 2020, pero na-cancel ito kaya isinama na sa PPP 4 na magsisimula na sa October 30.

Nang nakatsikahan namin si Mara via Zoom sa radio program namin sa DZRH, kitang-kita namin ang saya sa mukha dahil kasama niya pala sa London ang American boyfriend niyang naka-base roon.

Happy siya sa kanyang lovelife, pero ang payo niya sa mga single ngayon, subukan daw makipag-date online kagaya ng sa Mommy niyang si Isabel Lopez. “Sa mga single, puwede naman mag-online dating dahil hindi naman kayo puwedeng magkita, hindi kayo puwedeng mag-usap.

“Parang iyon ang safest way to meet people ‘di ba?” napapa­ngiti niyang pahayag.

Nakita raw niya kasi sa Mommy niya na ang saya raw ng married life niya ngayon sa kanyang American husband na si Jonathan Melrod.

Sa online din daw sila nagkakilala, at mahigit six years na raw ang kanilang relasyon. 

“Siyempre, feeling ko sa online hit or miss siya eh. Minsan hindi natin alam serial killer yung kausap mo. Siyempre dapat you build trust muna ‘di ba?
“Nakita ko kasi kung gaano kasaya ang nanay ko sa stepdad ko,” saad ni Mara.

Pero ang dagdag pa niyang payo, kung sakaling nagkapalagayan na raw ng loob sa online na tsikahan, dapat pag-isipan daw muna nang mabuti kung magyaya nang magkita sila.

“Siguro ang safest pa na gusto nyo magkita, magpa-swab test muna kayo and make sure na negative ang COVID test. Para lang protektahan ang sarili ninyo, protektahan nyo ang pamilya niyo,” napapangiting sabi ni Mara.

Sa mga gusto palang manood ng mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, puwede n’yo nang i-check sa FDCP Channel at puwede na kayong makabili ng ticket para mapanood ang mahigit isandaang pelikulang ipi-feature sa naturang filmfest.

 

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with