^

PSN Showbiz

Ivana, may takot nang gawin ang sitsit!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, may takot nang gawin ang sitsit!
Ivana
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida si Ivana Alawi sa Aswang episode ng digital film na Sitsit. Nagdalawang-isip umano ang sexy actress na tanggapin ang naturang proyekto noong una itong ialok sa kanya.

“Kasi ang tagal bago ‘yung last appearance ko sa TV. Ang tagal ko before magka-film or movie online. So ito na ulit, nakaka-pressure. No’ng nakita ko na ako lang (ang bida), sabi ko, ‘Sure ba kayo?’ Kasi takot ako, bakit ako lang? Hindi ako sanay na sa akin nakatutok lahat. So sabi ko baka hindi ko siya magawa nang maganda,” paliwanag ni Ivana.

Kahit nahirapan ay aminado naman ang dalaga na na-enjoy niya rin ang pagganap bilang si Joyce sa bagong online project na mapapanood sa iWantTFC simula October 31.

“Excited ako kasi first horror movie and mahilig ako sa mga horror. So sabi ko perfect ito kasi I’ve always wanted to try horror scenes. So I had so much fun filming it. Nahirapan ako kasi mag-isa lang ako, na-pressure lang ako. But aside from that, it was really fun. So this was the first movie na talagang by myself and lahat talaga from the start to the end,” kuwento ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Ivana dahil natapos nila ang shooting ng Aswang episode bago pa ipatupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Para sa aktres ay talagang sanay siya na kasama araw-araw ang pamilya kaya mabuti na hindi naranasan ang lock-in shooting. “I’ve never tried working simula no’ng nag-lockdown. Takot akong umalis sa pamilya ko. Sanay kasi ako na everyday magkakasama kami. Sanay ako na umuuwi ako sa bahay after ng taping. So I haven’t tried working in a lock-in taping. Pero I’ve seen naman ‘yung mga strict protocols. I talk to ‘yung mga nakakasama kong artista tapos inaalam ko din kung paano,” paglalahad ng dalaga.

Kim, nakuha ang dating korona ni Maja

Bukod sa ASAP Natin ‘To ay regular na ring napapanood bilang host ng It’s Showtime si Kim Chiu. Kamakailan ay binansagan ang dalaga bilang Queen of the Dance Floor ng ASAP na dating titulo ni Maja Salvador sa programa.

Kahapon ay pangalawang episode na ng SNL o Sunday Noontime Live na napapanood sa TV5 kung saan naman ipinakikita ngayon ni Maja ang galing sa pagsasayaw. “Nagpapasalamat ako sa ASAP kasi I’m not the best dancer. I can dance but I’m not the best pero binigay nila sa akin ‘yung title. Masaya naman ako na next year magpi-fifteen years na rin ako sa ASAP, so happy and thankful. Basta ginagawa lang namin nang maayos ‘yung production number namin and nag-e-enjoy naman kami sa ginagawa namin and ‘yung fans namin, people who truly support us. Nag-e-enjoy din sila sa ginagawa namin. So that’s more important,” paliwanag ni Kim.

Magbibida rin ang aktres kasama sina JM de Guzman at Tony Labrusca sa U-Turn na mapapanood sa ktx.ph, iWantTFC, Cignal at Sky Cable simula sa October 30. Nanibago umano si Kim habang ginagawa ang naturang digital film dahil sa ipinatutupad ng safety protocols ngayon dahil sa pandemya. “Best practice on the set is malinis lahat ng pinupuntahan mo, walang basura, walang kalat dahil lahat ingat na ingat sa gamit nila. Lahat ingat na ingat sa sarili nila. Siguro ‘yung cleanliness and hindi pagpapabaya sa sarili mong gamit. Kasi lahat kami sobrang orga­nized,” kuwento ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with