^

PSN Showbiz

Pero may drama… Ilongga, panalo sa Miss Universe Philippines!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pero may drama� Ilongga, panalo sa Miss Universe Philippines!
Rabiya Mateo
STAR/ File

Tama nga ang kumalat na tsismis noong Sabado pa na ang kandidata ng Iloilo na si Rabiya Mateo ang magwawaging Miss Universe Philippines at ang nasa top 5, pero wala raw talagang leakage kung sino ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020.

May ilang nagpalusot na si Rabiya Mateo nga raw ng Iloilo pero walang nagkumpirma, at kahit mismong ang nasa top five ay wala ring ideya kung sino talaga ang nagwagi. Kinunan daw kasi ang top five ng eksenang sila ang nagwagi. Kaya naranasan ng nasa top five finalists ang ma­suot ang koronang gawa ng Villarica at kahapon lang talaga naganap ang coronation na pinagtiyagaan daw nilang i-shoot sa Baguio Country Club na umabot ng Sabado ng alas-tres ng madaling araw.

Si Rabiya naman talaga ang deserving sa korona, pero magagaling din ang apat na runners-up. Pero bilang isang ilonggo, napapalakpak talaga kami sa sagot niya sa unang tanong na, “If you could create any new paper currency with the image of a Filipino on it, dead or alive, who would it be and why?”

Deretso ang sagot ni Rabiya na, “If I were given the chance, I want to use the face of Miriam Defensor-Santiago for those who don’t know, she was an Ilongga. But what I admired about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country.

“And I want to be somebody like her. Somebody who puts her heart, her passion into action. And after all, she is the best president that we never had.”

Ang ganda rin ng sagot niya sa pangalawang tanong kaya  puwede talaga siyang ilaban sa Miss Universe na wala pang may ideya kung kailan at kung saan gaganapin.

Pagkatapos ng airing ng naturang beauty competition, heto na at may mga naglabasan ng kuwento mula sa ilang kandidata.

Marami ang nakapansin sa IG story ng Ms. Taguig na si Sandra Lemonon. Sabi niya, “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”

Nagsisimula na raw ang drama dahil in-unfollow na raw ng 2nd runner-up Michele Gumabao at ni Sandra si Rabiya.

May nagparating pang kuwentong may dalang sariling hair and make-up artist daw si Rabiya, gayung hindi raw ito puwede. Marami rin ang nagtaka kung bakit wala si Michele Gumabao sa presscon kahapon ng title-holder at  runners-up.

Tingnan na lang natin kung ano nga itong pasabog nila, na hindi sana bitter-bitteran ang dating.

Congratulations kay Rabiya, pati sa runner-ups, at higit sa lahat sa organizer ng kompetisyon dahil nairaos nila ito sa gitna ng pandemya na maraming bawal at kailangang sunding safety protocols and guidelines na ipinapatupad ng IATF.

Nora, dinamayan ni direk Al sa Superstar noon

Nasa taping si Nora Aunor ng Bilangin ang mga Bituin sa Langit nang makarating sa kanya ang malungkot na balitang pumanaw na ang pamosong choreographer at director na si Al Quinn.

Ang daming nalungkot sa kanyang pagpanaw dahil sa halos lahat ng performers ay nakatrabaho ni direk Al. Pero naintindihan namin ang lungkot na naramdaman ni Ate Guy dahil malaki talaga ang naging bahagi ni direk Al  sa kanyang programang Superstar.

Kaya may ipinadala siyang pahayag kaugnay dito, dahil marami raw siyang magagandang alaala sa pumanaw na direktor.

Sobrang minahal ni Nora ang Superstar, kaya hinding-hindi niya makakalimutan si direk Al dahil sa minahal din nito ang naturang programa.

“Wala siyang kapaguran.  Minahal ni Tito Al ng sobra ang superstar show. Sa 22 years na nagtagal ang Superstar,  karamay ko siya sa lahat. Sa hirap at ginhawa. Masaya man o malungkot. Laging mataas ang rating ng Superstar show nang siya ang aming direktor,” bahagi ng kanyang ipinadalang statement.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni direk Al Quinn.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with