Direk Al Quinn, walang eklay magsalita
Al Quinn
STAR/ File
Direk Al Quinn, walang eklay magsalita
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Sa pagkamatay ni direk Al Quinn, natandaan ko ang mga salitang binitiwan niya nang una kaming mag-meeting para sa programang Scoop, ang unang-una kong talk show.

Sabi niya, puwede na hindi ako mahusay mag-host, hindi ako articulate o kaya wala akong presence of a respectable serious host. Diretsahan niyang sinabi na ang quality ko lang na puwede sa talk show ay ‘yung pagi­ging exciting ng personality ko, ‘yung charm na hindi mo alam kung ano na naman ang lalabas sa bibig ko. At siguro nga raw dahil hindi ako trying hard to be a good host kaya spon­taneous ako.

Kaya nga kahit puno ng kaba, at ang purpose ko lang ay mabati ang mga gusto kong batiin, sumabak ako at hanggang ngayon nandito pa rin sa Take It… Per Minute Me Ganun.

Ganu’n din ang drama ko sa radio, hindi ko rin kino-consider na isang seryosong trabaho, basta ganun lang, para ka lang generic celebrity guest sa programa.

Ang talagang very serious ako na trabaho ko noon ay ‘yung pagsusulat, dahil I really enjoy wri­ting. Kahit ang pagiging manager, pawarde-warde rin ako, gungho style, shoot the moon lang. Lucky me na ang mga alaga ko talagang mahusay at mabait kaya sumikat.

Pero all in all, naisip ko, siguro nga, talagang when you do something you enjoy, you don’t feel the burden of working. Kaya siguro dahil nag-e-enjoy ako sa lahat ng ginagawa ko, hayun, hindi ako nabigatan.

Hindi ko man sineryoso, naaalala pa rin na ginawa ko, hah hah, hanggang ngayon nga may nagtatanong kelan ako magraradyo, kaloka. Love your work, it will love you back.

Backlash...

Hindi siguro inakala ng asawa ni Tekla na si Michelle Bana-ag ang backlash na nangyari sa ginawa niyang paglalantad ng mga problema nilang magkarelasyon.

Kung noong una ay awang-awa ang mga taong nakarinig ng mga hinaing niya, ngayon ay parang lumalabas na siya ang talagang may problema dahil sa mga inilabas na mga nalalaman ng mga kaibigan ni Tekla, lalo na si Donita Nose.

Kaya nga dapat sa ganitong family problem mag-usap muna silang dalawa, ayusin, saka gumawa ng dapat na gawin nang hindi na nasasangkot ang publiko.

Now, kahit pa nga hindi taga-showbiz si Michelle, pati mga personal na bagay tungkol sa kanya naungkat na, hindi naman niya siguro gustong mangyari ito pero hindi nga napigilan, dahil very public ang pag-aaway nilang mag-asawa.

Ngayon siguro aral na rin ang nangyari, na in the end, ‘pag meron kang ginawa, asahan mo na lalabas at lalabas din at hindi puwedeng itago sa publiko ang katotohanan.

Sayang dahil sa biglang bugso ng galit, hayan, hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa career ni Tekla. Sayang dahil paano na, saan na kukunin ngAayAon ang mga panggastos ng pamilya?

AL QUINN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with