Korina, hindi umaasa ng bigay ni Mar
Korina
STAR/ File
Korina, hindi umaasa ng bigay ni Mar
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Isa sa major adjustments ni Korina Sanchez ngayong nasa TV5 na siya at nag-umpisang mapanood sa Rated Korina kahapon ng 4 p.m ay ang pagiging line producer uli.

“Mabuti na lang meron akong background sa pagiging executive producer. ‘Di ba ang trabaho ko naman talaga sa ABS-CBN is not just an anchor, I’m also executive producer of all the shows na anchor ako. Recently ko na lang... last five years binitawan ang pagiging EP kasi masakit na sa ulo pero ito pinasok ko ito so it’s a challenge for me, ang sakit sa ulo, ikaw pala lahat pati yung gulong na sumabog sa kalye sa ’yo pa isusumbong!

“Nakakaloka! Pati pagkain ng mga staff pinapakialaman ko pa kung anong ulam kasi baka mamaya may sebo. So sabi ko, “hindi pwede ‘yan”. Lahat ‘yun iniintindi ko,” kuwento ni Madam Koring nang makauusap namin sa isang mini presscon for Rated Korina earlier this week.

So anong bagong mapapanood?

“Sa quality naman kung hindi naman sira, ano ba aayusin mo ‘di ba. Noong nagsara naman ang ABS-CBN ‘yung programa natin na ginustong kunin ni Albee Benitez - Brighlight Productions - hindi lang namin madala ang titulo pinalitan lang namin ng Rated Korina yung Rated K. Pareho rin mas maganda pa. Mas maganda in a way na marami kasi akong bagong taong mga bata. So very active sila, very energetic so parang talagang nagkaroon ulit ng muscle at buhay ‘yung programa.”

Isa pang kakaiba ngayong nasa TV5 siya ay may anak siyang kambal na inaalala.  Hoping siya na magiging normal din ang schedule nila dahil ngayon ay daily ang taping nila. “So siguro after the 3rd episode magiging regular na ‘yung schedule dahil masakit din na uuwi ka hindi mo mahahawakan yung mga anak mo from afar lang o kaya magki-kiss kami may salamin.”

Pero hindi niya na-imagine na nasa bahay lang siya at walang ginagawa?

“Hindi mangyayari yun. I think ‘di mangyayari. Kailangan talaga meron akong project. Nung kasagsagan nga noong walang masyadong ginagawa ‘di ba nagsasalba pa ako ng aso sa kalye. Hindi ako mapakali. Kailangan may ginagawa ako.”

At siyempre gusto raw niyang magtrabaho dahil hindi naman siya umaasa pagdating sa pera sa mister niyang si Mar Roxas.

RATED K
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with