Kasal naudlot, Alex humina pati kuko nang magka-COVID; buong pamilya nahawa sa pagkaing binili sa labas
Alex
STAR/ File
Kasal naudlot, Alex humina pati kuko nang magka-COVID; buong pamilya nahawa sa pagkaing binili sa labas
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Maraming naudlot na plano si Alex Gonzaga nang mahawa siya ng COVID-19.

Kasama sa naapektuhan ang kasal nila ni Mikee Morada na nagkaroon din ng COVID.

Namanhikan ang pamilya Morada kina Alex sa kalagitnaan ng pandemic base na rin sa kanyang mga post sa social media.

Bukod sa TV host/ actress / YouTuber, naka-COVID din ang parents niya at iba pang kasambahay.

Inamin niyang nagkaroon ng COVID outbreak sa kanilang bahay na tinawag niyang COVID house pero ngayon ay magaling na silang lahat kabilang ang mga kamag-anak nilang nahawa rin nila.

Kaya naman nagpapasalamat siya sa Diyos at gumaling na silang lahat. “Magaling na po kami lahat ‘wag po kayo mag-alala. At nahawa lang po kami ng isa sa kasamahan namin and my parents have been very careful all this time kaya nalungkot lang ako,” ang statement sa caption ni Alex na ikina-react ng ibang netizens.

Asymptomatic ang kanyang parents, pero sila ni Mikee ang mas malakas ang tama.

Hindi naman nahawa sila Toni.

Sinabi nga ni Alex na nag-crave lang sila sa pagkain kaya lumabas ang isang kasama nila sa bahay. Pero pagbalik daw nito, may bitbit na virus at nahawa na silang lahat.

Bukod sa kasal, hindi rin siya napanood sa bagong prog­rama niya sa TV5 na Lunch Out Loud. “Hindi ako nagpapakita sa show for two weeks, it’s because nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. Nakuha namin siya out of pagkain sa labas which is naiintindihan ko naman. Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours siguro dun niya nakuha yung COVID,” ang umpisa ng kuwento niya sa kanyang vlog kahapon.

“We are very blessed na na-survive (namin) ‘yung COVID, natalo namin. Tapos na-realize ko na hindi naman namin matatalo ‘to of course kung kami lang to nang family namin. God healed us, na hindi naramdaman ng mommy ko, ng parents ko ‘yung lala ng sitwasyon even if they’re senior citizens.

“I really have to pause my life, sorry for the term, recklessness. Naiyak ako and naisip ko, why not I share this journey with you so you can learn from our mistakes and to give you hope na puwede kayong gumaling,” bahagi pa ng kuwento niya sa vlog.

At sa pinakita niyang video diary sa pinagdaanan, nagkaroon siya ng sore throat, fever, loss of apetite / taste at loss of smell. Dumating pa sa point na gusto na niyang pumunta sa hospital dahil mabigat daw ang pakiramdam ng dibdib niya na ginagawa pa niyang biro sa naturang vlog.

Naglagay din sila ng plastic wall sa bahay para makatiyak na hindi na kakalat ang infection. “Akala ko nakakaya ko na ‘yung COVID but dahil hindi ako masyadong nakakain dahil wala akong panlasa, sumama ‘yung pakiramdam ko, bumigat ‘yung feeling.

“I don’t feel well, so sabi ng nanay ko pumunta na raw dapat ako sa ospital pero ayaw ni Mikee kasi baka mas lumala pa ‘yung complications.

“Nung Monday, sobrang sama ng pakiramdam ko, as in level na gusto ko na pumunta sa ospital, as in napakahina ko. Hanggang ‘yung kuko ko mahina na talaga.

“Sabi ng friend ko gawin ko na ‘yung Melatonin, ‘pag gising ko medyo gumaan na pakiramdam ko,” na naging effective sa kanya dahil paggising niya ay umaayos ang pakiramdam niya sa nasabing video journey niya sa COVID-19.

Sanay daw kasi siyang magpuyat pero dahil sa COVID ay kailangan niya ang enough sleep at umepekto nga sa kanya ang melatonin.

After 14 days, ay nagpa-swab ulit sila at lumabas na negative ang resulta. “You really have to be extra careful. I’m showing you guys this to show na you can survive COVID, kaya n’yo, and if ever hindi n’yo na nakakayanan, you consult your doctors if you have complications. You really have to take care of your body, you have to boost your immune system kahit nasa loob lang kayo ng bahay. Thank you sa lahat ng mga nagdasal para sa’kin.”

Back to normal na raw silang lahat at nilinis ang buong bahay nila pagkatapos mag-negative sa swab.

Kaya talagang ingat pa talaga dapat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with