Kilalang personalidad na naibenta pati mga kubyertos sa bahay, nakabangon na sa pagiging adik
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Nagbago na (hindi ng pagkukunan) nang isandaang porsiyento sa pagbibisyo ang isang kilalang male personality. As in, malinis na ang kanyang dugo, hindi na siya nakikipagkita kay Sharon Stone.

Pinagsisisihan na niya nang sobra-sobra ang minsang pagdepende niya sa droga para makalimot sa kanyang problema. Kung maibabalik lang niya ang ikot ng kanyang mundo ay sumusumpa siyang hinding-hindi na babalik pa sa bisyong nangwasak ng kanyang buhay at karera.

Sa pakikipagkuwentuhan niya nu’n sa kanyang mga kaibigan ay sising-sisi ang kilalang male personality. Napakarami raw niyang sinayang na panahon at oportunidad sa kanyang career.

Kuwento ng isang source na may malalim na alam sa kuwento, “Naku, sobra talaga ang pagsisisi niya sa sinayang niyang panahon nu’n. Imagine, ayaw niyang magtrabaho, mas gusto niyang kasama ang mga kaibigan niyang gumagamit din!

“Ngayon na nga lang niya naiisip ang sinasabi sa ecological solid waste management, ‘yung R.A. 9003, na kailangang ihinihiwalay ang mga bulok sa hindi nabubulok!

“Nagkamali kasi siya ng mga sinamahang kaibigan, matindi ang naging impluwensiya sa kanya, paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang itinuro sa kanya!

“Ayun, nagpadala naman siya, hanggang sa malulong na siya sa bisyo! Kinatamaran na niyang magtrabaho, nagkukulong na lang siya sa kuwarto at ayaw niyang may nakikita siyang iba-ibang tao. Ganu’n ang naging amats sa kanya!” unang kuwento ng aming impormante.

Ang mga naipundar na kagamitan ng male personality ay naibenta niya, halos wala nang natira sa kanya, nakalbo ang kanyang condo unit.

Patuloy ng aming source, “Imagine, dahil sa pagbibisyo niya, pati ang mga kagamitan niya, e, naibenta niya! Ang pressure cooker niya, ang coffee maker, pati kalan at mga kubyertos na ang mahal nu’ng ipundar niya, e, naubos sa kabebenta niya!

“Pero ang maganda, e, siya mismo ang nagsabi sa pamilya niya na hindi niya kailangang magpa-rehab, siya mismo ang gagamot sa sarili niya, at in fairness, nagtagumpay siya!

“Okey na okey na siya ngayon, makararaket na sana siya, kaso, inabutan naman siya ng pandemya! Magaling siyang magsalita, matalino siya, klik ang pagko-comedy niya! Marami na ngang naghahanap sa kanila ng kabatuhan niya ng komedya,” pagtatapos ng aming impormatne.

Ubos!

Tekla at ka-live in na si Michelle, apektado ng ‘droga’

Kumbaga sa pelikula ay dumami na nang dumami ang casting ng kontro­bersiyang kinasasangkutan ng komedyanteng si Super Tekla.

May mga nagsalita na sa panig ni Michelle Bana-ag, to the rescue rin para kay Super Tekla ang kanyang mga kaibigan at manager, pero may humabol pa.

Nagpainterbyu rin kay Raffy Tulfo ang kanyang dating kinakasama, ang ina ng kanyang anak na si Aira, maliwanag ang naging pahayag ni Airlyn na sa loob nang walong taon nilang pagsasama ng komedyante ay walang naganap na ganu’n sa mga akusasyon ni Michelle.

Nagsalita naman ang kaibigan ni Michelle na si Angel, walang-wala raw si Super Tekla nang magkakilala sila ni Michelle, kaya ang pamilya ng babae ang bumubuhay sa komedyante.

Nagmarka ang sinabi ng pamangkin ni Michelle na si Shaun, “Binabatuk-batukan po niya kami, minumura, hindi lang po kami kumikibo, dahil siya ang bumubuhay sa amin.”

Labanan ng mga salita ang nagaganap sa pagitan nina Super Tekla at Michelle ngayon, pero ayon kay Attorney Garreth Tungol ay walang maidadagdag sa depensa ni Super Tekla ang mga sinasabi ng kanyang kampo.

Mahina raw ang character evidence, ang pagtutuunan pa rin ng husgado ay ang akusasyon ni Michelle na may back-up na video, marital rape, R.A. 9262, child abuse at acts of lasciviousness ang mga kasong nakaplanong isampa ng ina ni Angelo laban sa komedyante.

Pero binigyan pa rin sila ng palugit ni Raffy Tulfo hanggang sa susunod na linggo. Kapag hindi sila nagkaayos ay saka lang uusad ang planong pagdedemanda ni Michelle.

Ang karaniwang komento naman ng mga kababayan natin ay mahirap husgahan ang laban nina Super Tekla at Michelle Bana-ag. Pareho kasi silang nagdroga, pero malinis na raw sila ngayon, kaya lang ay may epekto pa rin sa kanilang pagkatao ang bisyong kinasangkutan nila.

SHARON STONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with