Palaban sa red tagging, mas pabor sa red lipstick âhindi po ako NPAâ - Angel
Angel
Palaban sa red tagging, mas pabor sa red lipstick ‘hindi po ako NPA’ - Angel
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — ‘Salamat mars,’ ang sagot ng actress na si Angel Locsin sa mga nagbigay ng suporta sa kanyang clarification post sa statement ng military officer tungkol sa kanilang magkapatid at kamag-anak na si Neil Colmenares na diumano’y kasama sa makakaliwa.

Kasama sa mga ‘nagpasalamat’ at nagbigay ng suporta kay Angel sina Angelica Panganiban at Anne Curtis. “Maraming salamat sa tapang mo,” message ni Angelica. “Supporting you mars! ” ang kay Anne.

Nilinaw ni Angel na may hashtag na ; #NoToRedTagging #YesToRedLipstick 

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating mga sariling paniniwala. Kung magkaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.

“Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin. Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response programs. Many of our country men need financial assistance. Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras.

“I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Gray, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully

“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our fa­mily,” ang buong post ni Angel kahapon.

Naglabas naman ng official statement ang ABS-CBN kaugnay pa rin sa akusasyon ng red tagging kay Angel. “Lubos na nababahala ang ABS-CBN sa maling pagbabansag kay Angel Locsin bilang miyembro ng NPA.

“Ang pagkakawanggawa at pagpapaha­yag ng sari­ling opinyon ay hindi dapat gawing basehan para tawaging miyembro ng mga komunista.

“Naniniwala kami na tulad ng sinumang Pilipino, karapatan ni Angel na magpahayag ng kanyang sarili at manindigan para sa kanyang mga prinsipyo nang walang paghuhusga.

“Sinusuportahan namin si Angel sa patuloy niyang paglalaan ng oras at talento sa pagtulong sa kapwa,” ang kabuuan ng statement.

Liza hindi takot – lawyer

Samantala, parang joke naman tweet ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na kilalang matapang ang mga pahayag sa social media.

“IF @lizasoberano is a communist, then I’ m a trying hard Marxist . I broke my mourning just to say, enough of redtagging ! Focus on COVID, health and jobs.”

Samantala, sinabi ng lawyer ni Liza na si Atty. Juanito Lim., Jr. sa ANC na “Liza is not afraid of this statement from [Lt.] Gen. Antonio Parlade [Jr.]. Though I must state we take note of the general’s advice, unsolicited as it may sound.”

Kahapon din ay naglabas na statement support ang Star Magic and ABS-CBN kay Liza ; “Itinataguyod ni Liza Soberano ang mga karapatan ng kababaihan at sinusuportahan ang mga hakbang na nangangalaga at nagsusulong ng interes ng kababaihan.

“Kaisa ang ABS-CBN at Star Magic sa pagsasalita ni Liza Soberano laban sa mga paglabag sa karapatan ng kababaihan. Ito ay sarili niyang paninindigan at hindi ng sinumang tao o grupo.

“Sana ay hayaan natin ang mga taong mala­yang makalahok sa mga makabuluhan at makatuwirang talakayan ng mga isyu nang hindi nababansagang komu­nista.”

 

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with