Tony, maraming bad habits dahil sa self-pity
Tony
Tony, maraming bad habits dahil sa self-pity
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

Simula sa Lunes ay mapapanood na ang teleseryeng Bagong Umaga na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Heaven Peralejo, Yves Flores, Michelle Vito, Kiko Estrada at Barbie Imperial. Mapapanood ang bagong serye sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11 at sa digital platforms ng ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ni Tony dahil kahit pitong buwan nang ipinatutupad ang community quarantine ay sunud-sunod pa rin ang kanyang ginagawang proyekto.

Ngayon ay lock-in taping ang ginagawa ng buong grupo dahil sa pagpapatupad ng TV production safety protocols dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Mahirap, medyo emotional ka lagi kasi nami-miss mo ‘yung comfort zone mo, ‘yung family mo. Usually ‘pag taping, every other day nakakauwi ka kahit paano. So dito wala, pero swerte naman kaming lahat dito kasi lahat po sila mabait. Actually ‘yon din po ‘yung fear ko, akala ko magsisilabasan na ‘yung mga ugali ng mga kasama ko rito pagdating ng third week. Pero I’m really happy to say na mabait po lahat ng mga kasama ko rito. Lahat ng staff really understood how hard lock in is. So I think tulungan na lang po kaming lahat dito kasi it’s not easy,” paglalahad ni Tony.

Sa loob ng apat na taong pananatili sa show business ay marami na ring kontrobersiya ang kinasangkutan ang aktor. Para kay Tony ay ang insidente sa airport noong 2018 ang pinakamatinding pagsubok ang kanyang naranasan.

Matatandaang pumutok ang balitang sinigawan diumano ng binata dahil sa galit ang isang immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagsasabi nito kay Tony na isang buwan lamang maaaring manatili sa bansa bilang American passport holder. “Ang laki ng naging isyu sa akin. Ang feeling ko ang daming namba-bash sa akin kahit hindi naman ako kilala. Maraming tao na gusto akong magpakamatay. Gusto nila akong i-deport kahit hindi naman nila alam ‘yung totoong kwento. Ang dami kong naging bad habits dahil sa self-pity. Tapos naisip ko na dalawa lang naman ‘yung choice ko. I can prove them right na hindi ko nga deserve lahat ng mga project ko, lahat ng blessings ko or gagalingan ko na lang. Happy ako na ngayon, sinu-support pa rin ako ng ABS-CBN. And sa lahat ng mga tao na hanggang ngayon dyina-judge pa rin ako, wala na po akong kontrol doon. Basta ako, masaya and grateful ako na may bagong umaga,” kuwento ng aktor.

Jay-R tinututukan ang pasensiya sa misis na si Mica

Nito lamang Marso nagpakasal sina Jay-R at Mica Javier. Matatandaang isang beach wedding ang dinaluhan sa Boracay ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa noon. Ayon kay Jay-R ay mas nakilala niya ang aktres ngayong magkasama na sila sa iisang bubong. Palaging magkasama ang mag-asawa ngayon dahil na rin sa pagpapatupad ng community quarantine sa bansa. “Feeling ko if we continue ‘yung ganitong keywords, team work and pasensiya, I think magiging successful ang aming relationship. ‘Yon talaga ‘yung what I go by when it comes to the marriage. Siyempre mahal ko si Mica at gusto ko longevity ang mangyari sa marriage namin. ‘Yon talaga ang tinututukan ko, respeto sa kanya at pasensiya,” makahulugang pahayag ni Jay-R.

Para naman kay Mica ay talagang mala­king bahagi ng kanilang pagsasama ng singer ang respeto sa isa’t isa. “Naa-appreciate ko ang lahat ng pagkakaiba namin ni Jay-R. Lalo na quarantine, na-realize ko talaga kung gaano kami kaiba. Minsan naisip ko paano kami nagge-get along. Pero sobrang effortless nang pagka-mold ng relationship namin. Kasi nagsimula kami with respect for each other’s individuality at ‘yon ang isang bagay na ayaw na ayaw ko mawala sa relationship namin. At the end of the day, si Jay-R talaga ‘yan, si Mica talaga ako. Pero kapag kinombine kaming dalawa, we just become stronger together,” paliwanag ni Mica. Reports from JCC

TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with