Ruffa, sperm lang ang naging pakinabang sa dating asawa!
Ruffa
Ruffa, sperm lang ang naging pakinabang sa dating asawa!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

“Thank you for your sperm,” ‘yun lang ang mensahe ni Ruffa Gutierrez na gustong iparating sa dating asawang si Yilmaz Bektas.

Muling naungkat ang isyu nilang dalawa dahil sa napag-usapan ang balak na pag-aaral ng panganay nilang anak na si Lorin.

Nagkasundo na kasi ang mag-ina na sa America  mag-aaral si Lorin dahil gusto niya roon. 

Kaya noong makausap namin si Ruffa sa isang intimate virtual tsikahan noong nakaraang Huwebes ng gabi, naikuwento niyang medyo emotional na siya ngayon at nakakaramdam na ng separation anxiety kapag naaalala ang paghiwalay na ng panganay niyang anak sa kanila. Tinanong namin sa kanya na sa ganitong desisyon nilang mag-ina, meron din bang kontribusyon si Yilmaz? Pinag-uusapan ba nilang dalawa bilang magulang ni Lorin?

“I’m the sole provider of Lorin and Venice and you know, ako ang nagpalaki sa kanila. So, I make them decisions. Since wala naman siyang contributions sa pagpapalaki nila, I don’t need to inform him of what happened to the girls. And you know, if he wants to donate some kind of time, or effort or financial support…” pakli ni Ruffa.

Paminsan-minsan ay kumo-contact daw sa kanila ang dating asawa pero hindi rin daw natatapos ng maganda ang kanilang pag-uusap. “Minsan he communicates and then we end not being in good terms,” sabi ni Ruffa.

“He always promised to come and visit, pero hindi naman siya pumupunta. He wants us to visit Turkey. Sabi ko I don’t think it’s the right time for us to visit Turkey.

“If you want puwede tayong magkita sa America, puwede tayong magkita sa Pilipinas, pero hindi ko puwede dalhin ang mga bata sa Turkey, especially since they’re not yet of legal age,” dagdag niyang pahayag.

Pinapakiramdaman pa raw ni Ruffa kung safe na ring mag-aral sa America si Lorin.

Pero bilang isa sa paghahanda ay kailangan matuto raw munang mag-aral ng self-defense ang anak niya at gusto niyang mag-Bible study na muna ito. “Bago mag-abroad kailangan mag-aral ng self defense. Kahit ano, taekwondo, boxing, Krav Maga.

“Kailangan mo matuto ng self defense and pangalawa, kailangan mo mag-Bible study. Para pagdating mo dun, yung values mo intact. You learn how to say no kung may mga taong lumalapit sa yo na hindi mo type ang ginagawa nila, you have to defend yourself. Umoo naman siya,” sabi pa ni Ruffa.

Thankful din ang aktres dahil hindi naman siya pinagkaitan ng maraming trabaho. Nasa pangatlong lock-in na nga raw siya ngayong pandemic.

Ang una niyang trabaho habang may pandemic ay noong na-lock in sila sa taping ng Love Thy Woman, at pagkatapos nito ay sumunod ang digi-movie ng The House Arrest of Us na mapapanood na sa KTX.ph simula ngayong araw, at bukas naman sa iWant TFC app.

Nakatakda na ring ma-lock in uli si Ruffa sa bagong drama series niyang gagawin para sa TV 5 naman ito, ang Stay in Love kasama sina Maris Racal at Kokoy de Santos.

Nora, hiningan ng waiver bago ang taping

Very smooth ang lock-in taping ngayon ng GMA afternoon na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Mala-lock in daw sila ng 20 days sa San Mateo, Rizal at ang ikinatuwa pa ng mga taga-Bilangin, kumpleto silang napasama sa taping dahil noong nagpa-swab test daw silang lahat mula sa mga artista at production staff, lahat ay nag-negative.

Pinayagan din si Nora Aunor na magtrabaho dahil may waiver naman daw siyang fit to work.

Sobrang maingat daw silang lahat sa set, na lahat sila ay naka-face mask at face shield, at kahit ang puwesto ni direk Laurice Guillen ay may divider siya sa kanyang monitor.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with