Dingdong naka-relate sa mga ofw nang mag-lock-in taping
Dingdong
STAR/ File
Dingdong naka-relate sa mga ofw nang mag-lock-in taping
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Marami na ang nakaabang sa pagbabalik ng primetime series na  Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation sa GMA 7 simula sa Lunes, October 26.

Muli na ngang mapapanood sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty with Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Wolf at Moira.

Una munang mapapanood ang recap nito simula October 26, habang ang fresh episodes naman ay magsisimulang maipalabas sa darating na November 5.

Aminado sina Dingdong, Jasmine and Rocco na nagkaroon sila ng adjustment sa new normal taping nang mag-lock-in sila para tapusin ang taping sa gitna pa rin ng pandemic.

Sa case ni Jasmine, pinanood niya uli ang original series at gumawa siya ng notes para sa kanyang role na Moira lalo na nga at galing siya sa ibang series.

Si Rocco ay ganundin dahil matagal silang nag-training tapos all of a sudden ay natigil nga.

Aminado naman si Dingdong na grabe ang pananabik nila sa trabaho nang magkita-kita sila finally. “ ‘Yun parang gusto mo silang yakapin pero hindi puwede, mga ganun. Pero tama sila kailangang mag-adjust. Kasi sa first day talagang nangamote ako. Kaya sabi ko kailangan kinabukasan ok na ako. Uy sabi ko, andito ka na.”

Pero mas mahirap para kay Dong ang umalis ng bahay para sa lock-in taping.  “’Yung feeling, mahirap kasi while excited ka makita at makasama ulit ’yung kaibigan mo, mga katrabaho mo, may sepanx dahil for so many months every day, mula umaga hanggang gabi, kasama ko chikiting, asawa ko.

“For 20 years straight parati akong wala sa bahay, so kakaibang experience sa akin ’yun,” pag-amin ng actor sa Zoom conference the other night.

“So may kalungkutan paalis ng bahay. Umalis ako 4:30, tulog pa sila, madilim pa kasi 6 o’clock call time namin sa Tanay.”

Dagdag pa ni Dingdong, kaya alam daw niya ang karanasan ng mga OFW nating kababayan na kailangang iwan ang kanilang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa. “Kami nga 2 weeks palang mawawala ang hirap na, ma-appreciate mo ’yung sakripisyo na ’yung umaalis ng bahay at lumalayo para lang sa pamilya,” pahayag ng aktor.

Ang isa pa raw mahirap ay ‘yung talagang parang buong bahay ay gusto na niyang dalhin sa location para talagang makaiwas sa virus.

At kahit major consideration daw ang safety ng lahat ng cast, naitawid nila ang mga eksena ginawa ngayon at naihalo sa natapos na nilang mga eksena noon before pandemic.

Bilib naman ang aktor sa ginawa ni Marian Rivera na umayaw sa seryeng First Yaya sa takot sa coronavirus at para na rin maging priority ang anak nila na sina Zia and Ziggy at nirerespeto raw nito ang desisyon ng misis.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with