The house...ng Kathniel may pasabog
Kathniel
STAR/ File
The house...ng Kathniel may pasabog
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Sunod-sunod ang mga exciting na handog ng KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online. Isa na rito ay ang kaabang-abang na kauna-unahang digital movie series na The House Arrest of Us, tampok ang box office stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na magsisimula sa Sabado (Oktubre 24).

Mapapanood ang magkasintahan bilang ang newly-engaged couple na sina Korics (Daniel) at Q (Kathryn) na dadaan sa matinding pagsubok.

Sa araw ng pamamanhikan ni Korics sa tahanan ng pamilya ni Q, hindi magiging maayos ang turingan ng bawat pamilya dahil sa kani-kanilang magkaibang personalidad.

Labintatlong episodes ang mapapanood ng fans sa halagang P499. Maliban sa series, may tatlong sorpresang fan conference at behind-the-scenes feature na hinanda ng cast, Star Cinema at KTX.PH.

KATHNIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with