Raffy Tulfo, gustong makipagtuos kay Tekla
Raffy
STAR/ File
Raffy Tulfo, gustong makipagtuos kay Tekla
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Nagsalita na si Super Tekla sa GMA News kahapon kaugnay ng mga akusasyon ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Tulad sa inaasahan ay itinanggi ng komedyante ang mga sinabi ng kanyang partner.

Pero siya ang gusto sanang makapanayam ni Raffy Tulfo sa kanyang radio program na Wanted sa Radyo na pinagsumbungan ni Michelle pero sumusunod daw ang komedyante sa payo ng GMA 7.

Kabilang sa naunang nagtanggol kay Tekla  ay ang mga kaibigan niyang sina Donita Nose at Ogie Diaz.

Nagsalita rin ang manager ni Tekla na si Rose Conde na pinasinungalingan din ang mga akusas­yon ni Michelle.

Sinabi raw ni  Tekla sa kanya na magmula nang manganak si Michelle sa kanilang anak na si Angelo, hindi pa raw sila nagsi-ping.

Itinatanggi rin ni Tekla ang kuwento ni Michelle na nag-masturbate siya sa harapan nito at natalsikan pa ang kanilang anak.

May mga patunay pang na-point out ang manager ni Tekla na si Rose na na-set up ang komedyante sa ipinadalang video kay Raffy.

Parang nakumbinse nga ang mamahayag na tila na-set-up si Tekla.

Pinagdiinan ni Michelle na gusto raw talaga niyang kasuhan na si Tekla at ipakulong ito.

Tamang-tama namang may mediacon si Raffy Tulfo noong nakaraang Miyerkules para sa kanyang programa sa TV5 na Idol in Action kaya natanong namin sa kanya kung ano ang gusto niya sanang mangyari sa gulong ito nina Tekla at Michelle.  “Para sa akin, magkaayos na lang siguro sila,” pakli Idol Raffy. May punto naman daw ang mga netizen na nagbigay ng kanilang opinyon kaya pinapakiusapan niya si Tekla na sana magsalita na raw sa kanilang programa at baka mapag-ayos naman silang magkarelasyon.

Samantala, nabago na nga pala ang timeslot ng programang Idol in Action na napapanood na ngayon sa TV5 at OnePH via Cignal TV ng 10:30 ng umaga mula Lunes hangang Biyernes. Bilang siya na nga ang itinuturing na Hari ng Public Service, sinamahan naman si ‘Idol’ Raffy ng tinatawag nilang Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko na sina MJ Marfori at Marga Vargas. Pero nandiyan din ang anak niyang si Maricel Tulfo, Kapitana Carol Domingo, Hannibal Talete at Roda Magnaye na may kanya-kanyang segment sa naturang programa.

Aminado si ‘Idol’ Raffy na parang kinikiliti siya sa pandinig na naging byword na ang ‘Ipa-Tulfo Kita’ dahil dito nga raw niya nakikita ang sobrang pagtitiwala ng mga tao na merong isang Raffy Tulfo na tumutulong sa kanila. “Every single night, believe it or not, ako po’y nagdarasal sa Panginoon at puro’y pasalamat. Hindi na po ako humihingi ng biyaya sa Panginoon. The way I pray everynight is magpasalamat, at humingi ng sorry sa kung ano mang kasalanang nagawa ko, because for me I’m really blessed. I am very proud, and kung buhay pa yung tatay ko ngayon, Ramon Tulfo Sr., he’ll be very very proud para sa akin.”

Anak ng macho dancer gustong pumasok sa bahay ni kuya

May nakikita na ako sa TikTok ng mga audition piece ng mga gustong sumali sa PBB Connect.

Noong Linggo ito in-announce sa ASAP Natin ‘To at as of October 21, mahigit 37K na raw ang nag-audition na idinaan sa Kumu. Ilan sa mga celebrities na nagpahayag ng interest na makapasok sa Bahay ni Kuya ay ang aktor na si Jomari Angeles at Sean de Guzman na bida sa Anak ng Macho Dancer.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with