Kris, nanggulat
Kris
STAR/ File
Kris, nanggulat
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

So happy nang mapanood ko ‘yung commercial ni Kris Aquino. Kitang-kita mo ang happiness sa mukha ni Kris habang ginagawa ang shoot para sa bago niyang trabaho. Talagang na-miss ni Kris   ang pagharap sa camera dahil bigay na bigay ang energy niya.

At balita ko, isa pa ring big commercial ang susunod niyang gagawin.

Marami ang ginulat ng paglabas na ito ni Kris na kaya siguro tahimik noong mga nakaraang araw, dahil na rin sa mga ginagawang negotiation para sa tatlong malalaking endorsements. Hindi pa rin nga siguro nawawala ang magic ng isang Kris Aquino sa pang-aakit sa mga bumibili ng produkto, naroon pa rin nga siguro ‘yung appeal niya as a very credible spokesperson for any product, kasi nga patunay itong tatlong malalaking ads na siya ang kinuha para ibenta sa publiko.

Tahimik pa si Kris ng lagay na iyan ha, tapos tatlo agad ang commercials, endorser pa rin ng major product at talagang laging sleeping dragon ang aura niya, quiet lang, tapos bibiglain ka. Hah hah very Tetay talaga.

Bong, bagay sa K-drama na walang leading lady

Ang dami kong napanood na Korea-novela at sabi ko kay Bong Revilla bagay sa kanya ‘yung all male cast na serye na Prison.

Bongga siya ha, walang kahit isang babae na kasali, lahat male, saka very now ang story, ‘yung corruption sa loob ng Prison.

Para ngang napaka-revealing ng serye at puwede na sa lahat ng penal colony na ito ang nangyayari. At cute sa akin na talagang wala kahit isang babae kang makikita sa buong serye ha.

Sana nga mabalik na sa dati ang sigla ng movie making para makagawa na ng pelikula si Bong at bagay na bagay sa kanya ‘yung role ng bidang lalaki sa Prison, medyo hawig pa nga niya.

Ang galing talaga na puwede na walang romantic o love interest sa isang istorya. Talagang pipilitin ko, ‘pag ok na uli ang reception sa paglabas ng mga pelikula at pagpasok sa sinehan na gawin ito ni Bong Revilla. Talagang action packed at very now ang istorya, maniwala kayo.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with