Male personality na laging late sa show, nabuko na ang pagdodroga
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Lumabas na ang daga sa kanyang pinagtataguang lungga! Ngayon ay palagay na ang loob ng isang produksiyon sa kanilang duda nu’n na nakapailalim sa ipinagbabawal na gamot ang isang personalidad na nakasama nila kaya patuloy sa pagbibigay sa kanila ng problema.

Gasgas na kasi ang kanilang dila sa pagtatanong sa personalidad, pero denay lang siya nang denay, hindi raw siya gumagamit at wala siyang kahit anong bisyo sa buhay.

Kuwento ng aming source, “Paano mo naman kasi hindi pagdududahang may bisyo ang male personality na ‘yun na
pinagdududahang beki ng marami, e, palagi siyang late sa show?

“Nandu’n na sa studio ang main host, ang kanyang mga co-hosts pati ang mga dancers, pero ang male personality, e, wala pa? Kesyo papunta na siya sa studio, pero ilang oras na ang nakararaan, e, wala pa rin siya?

“At pagdating niya sa dressing room, instead na humingi siya ng pasensiya sa mga nandu’n, e, nagmamaldita pa siya? Parang siya pa ang tama sa kawalan niya ng disiplina sa oras?

“Maldita pa siya, e, siya na nga ang nagbibigay ng problema sa production?” unang kuwento ng aming impormante.

Kapag hindi siya sumasalang ay makikita siyang nagtatago sa mga cubicle. Sleeping beauty siya, kasi nga ay sobrang wasted na sa kanyang pagbibisyo, kailangan niyang sundutan ‘yun para maging aktibo uli siya.

Patuloy ng aming source, “At hindi lang pala bisyo ang pinagkakaabalahan niya, nagsusugal din siya! Gig kuning-kuning ang isinasangkalan niya kung bakit siya napupuyat, ‘yun pala, e, magdamag siyang nagbababad sa casino!

“At kapag naoolats siya at gustong bumawi, e, inaabot pa siya sa casino nang hanggang hapon, kaya paano pa siya makararating sa trabaho niya on time?

“Nagkukumahog siya, walang tulog at pahinga, kaya palagi siyang nagkukulong sa cubicle para mag-
sleeping beauty! Super-laking pro-blema ang ibinigay niya sa production, super-tigas ng ulo niya, siya na ang pinaka-super!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kampo ni Super Tekla, kinontra ang pinagsasabi ng kanyang ka-live in

Sa ngalan ng pagiging parehas ay ang panig naman ng komedyanteng si Super Tekla ang bibigyan namin ng espasyo sa aming kolum ngayon.

Hindi nagsalita sa Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo ang komedyante, may kontrata raw kasi siya sa GMA-7, kaya una siyang magbibigay ng kanyang pahayag sa 24 Oras.

Sa halip ay ang kanyang kaibigang si Donita Nose ang nagsalita para sa kanya, si Ogie Diaz na aanakin ang kanyang anak na si Baby Angelo, at ang kanyang manager na si Rose Conde.

Lahat ng akusasyon ng kanyang kinakasamang si Michelle Bana-ag laban sa komedyante ay binigyan ng tugon ng tatlong nakakakilala sa kanyang pagkatao.

Ayon sa kanyang manager ay matagal na raw siyang pinahihiwalay nito kay Michelle pero hindi niya magawa-gawa dahil mahal niya ang babae at ang kanilang anak.

Nagtataka rin ang manager kung bakit nagawa ni Michelle ang ganito kay Super Tekla, samantalang pinapasan pala ng komed-yante hindi lang ang kanyang mag-ina, kundi pati ang buong pamilya nito.

May panahon pa raw na ninanakawan ni Michelle ng pera sa wallet si Super Tekla, nagwi-withdraw rin ito sa kanyang ATM, habang natutulog siya.

Matagal na raw tumigil sa pagbibisyo si Super Tekla, magkasabay lang silang tumigil sa paggamit ng shabu ni Michelle, kaya malinis na ngayon ang
komedyante sa anumang bisyo.

Isiniwalat naman ni Michelle na hindi nito alam kung saan napunta ang lahat ng donasyong tinanggap ni Super Tekla mula sa mga pulitiko at artista para kay Baby Angelo dahil binayaran daw ni Senador Bong Go ang lahat ng gastos sa operasyon ng kanilang anak.

Planted daw ang video na ibinigay ni Michelle sa programa ni Raffy Tulfo, gusto na raw talaga nitong makipaghiwalay, nagalit lang ang babae nang hindi ito bigyan ng perang pangnegosyo ni Super Tekla.

At hindi naniniwala sina Ogie, Donita Nose at Rose Conde sa kuwento ni Michelle na kapag hindi nito gustong makipag-sex ay namimilit ang komed-yante, hindi sila pinakakain at humahantong na lang sa pagma-masturbate, na ang katas niya ay pinatatalsik pa ni Super Tekla sa kanilang sanggol at sa kanya mismo.

Masalimuot ang isyung ito. Totoo man o imbento lang ang mga akusasyon ni Michelle Bana-ag ay isa lang ang maliwanag—wasak na wasak na ang imahe ni Super Tekla sa publiko.

TEKLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with